PART 4

253 17 7
                                    

I was constantly checking my phone. Ewan ko ba, pero naging habit ko na din kasi. I admit, I was waiting for a text or a call that never came. Ilan buwan na din naman ang naka lipas mula nung DA Ball.

Not winning the Best in Music video award broke my heart. I am the one who was affected the most. Film making has always been my passion. I was never the kind of person who can easily accept failures. I always wanted to win, but Ford was right when he said that just because I lost doesn't mean I'm not good. There will always be someone better than me.

Hindi ko alam bakit ba ako tingin ng tingin sa phone ko. I was waiting for a text or a call from Ford. Hindi naman normal sa amin ni Ford ang magkatext or magtawagan. Ever since the DA Ball naging ganito na ako.

Ano nga bang ineexpect ko? Bakit niya nga ba ako itetext? Bakit niya ako tatawagan? Wala naman meron sa amin. Hindi kami. Ni hindi nga kami M.U, eh. Bakit ba kasi ang sweet niya? Bakit ba kasi kailangan niya pa pagaanin ang loob ko that night?

I heard the bell rang so I immediately stood up and went to the cafeteria. I saw them all seated in our usual table. Naglakad ako palapit sa kanila pero biglang bumagal yung paglalakad ko 'nung makita ko si Ford na may kausap na babae. He was two tables away from our usual table. Linapit niya yung bibig niya sa tenga 'nung babae tapos tumawa naman nang malakas yung babae at hinampas siya sa braso niya. They're obviously flirting. I don't know why I kept on watching them.

I don't know why it stings.

I immediately turned around at naglakad papunta sa Costa. 'Dun nalang ako kakain ng lunch. I don't wanna be around Ford especially when he's flirting with another girl. I know that he likes to hang out with girls and I wish that it didn't hurt me but it does.. because I like him.. and I wish that I didn't.

*bzzt bzzt. Bzzt bzzt*

From: Eya Gonzales
San ka? Sabay ka?

I replied and said na nasa clinic ako and I'm not feeling well. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na ayaw ko sumabay sa kanila dahil may kalandiang babae si Ford. Nakakainis talaga. Hindi naman ako ganito dati. Ni hindi nga ako naapektuhan 'nung nagbreak kami ni Kyle, eh. Kaya dapat wala lang naman sa akin 'to. Bakit nga ba ganito ako ka affected?

After ko maglunch mag-isa, bumalik na din ako sa classroom. I was busy reviewing for our Film Making exam when my phone suddenly vibrated.

*bzzt bzzt. Bzzt bzzt*

Oppa Ford calling..

I sighed before I answered his call.

Me: "Ford." I coolly said.

Ford: "Na saan ka? Hindi ka sumabay sa amin mag-lunch. Sabi ni Eya hindi daw maganda pakiramdam mo? Nasa clinic ka daw? Pumunta ako 'dun kaso, wala ka naman."

Oo, hindi maganda ang pakiramdam ko. Sumakit kasi bigla yung puso ko.

Me: "Ah, sumakit kasi ulo ko. Nasa classroom na ako ulit."

Ford: "Sure ka? Uminom ka na ba ng gamot?"

Me: "Oo. Binigyan ako kanina sa clinic." I lied.

Ford: "Sigurado ka ba? Kung gusto mo hihingi tayo ng excuse slip sa clinic para pwede ka nang umuwi. Ihahatid kita."

Letse naman kasi, Ford. Bakit ka ba ganyan? Paano ko maalis 'tong feelings ko sa kanya kung ganito siya sa akin? Nag-aalala na parang boyfriend ko.

She's My Bestfriend's CousinWhere stories live. Discover now