Nagsimula sa "sorry" hanggang sa napunta sa "mahal kita".
Mahal kita.
Mga salitang akala ko hindi ko maririnig mula kay Ford. I was actually preparing myself for a bigger heartbreak. Akala ko talaga na hindi na lilinawin ni Ford ang kung ano man ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko din alam na sa ganoong paraan din namin malalaman ang nararamdaman namin para sa isa't-isa.
Buti pa pala kapag biglaan, nagagawang umamin.
Indeed, expect the unexpected.
Our status? Uhm, MU? Siguro..
Exclusively dating? Strictly.
Kami na ba? Yeah, maybe.
Hindi ko alam. Wala naman kaming nagpag-usapan. Basta ang alam ko lang, I wasn't on the grey area anymore. Hindi na ako nalilito. Alam ko na kung saan ako lulugar.
I've always thought na importante ang "label" sa isang relationship. Mali pala. You know what's more important? Assurance.
Yung hindi ka napapa-isip. Yung kapag tinanong ka ng ibang tao kung mahal ka niya, confident kang sasagot ng "oo naman, mahal ako non".
Yung sigurado ka na..
Yung masasabi mo nang "ang sarap ma-inlove" imbes na "ang hirap ma-inlove".
Kasi, sa totoo lang, hindi naman masakit magmahal.
Nasasaktan tayo kasi mali ang taong minamahal natin. Nasasaktan tayo kasi minsan tayo lang ang nagmamahal. Nasasaktan tayo kasi mas pinipili natin sarilinin ang mga bagay na dapat sinasabi ng harapan.
Gaya ng pag-amin sa taong mahal mo.
Love was and will always be wonderful. That's a fact that most people often misunderstood.
So, my heart's status? Happy, contented and assured.
We're at Ford's place tonight. It's Saturday night so we all decided to have a booze night. Si Tristan at Ford naglalaro ng NBA sa may playstation. Si Russell naman kumakain. Si Joao kausap si Eya at Sarah habang si Niel naman nag pupush-up. Grabing bata 'to. Naging 18 lang na-adik na sa workout. Gustong-gusto magka-abs eh. Inspired? Pagka-tapos naman mag workout biglang kakain ng isang balot ng kisses chocolate.
Tumabi ako kay Russell tapos kumuha sa tacos ma kinakain niya.
Russell: "Bruh, get ya own food."
Me: "Ang damot mo ha!"
Russell: "This is mine." Tapos tumayo siya para lumipat ng pwesto at lumayo sa akin.
Grabe ha! Ang damot sa food ni Russell!!
Me: "Tss! Ang damot mo!! Turtle!!"
Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang na kumain. Hay, nako. Mawalan sana siya ng six pack abs sa katakawan niya!!
Tumayo nalang ako tapos tumabi kay Ford na busy pa din naglalaro ng NBA.
YOU ARE READING
She's My Bestfriend's Cousin
FanfictionSide story of Dream Academy. Team #ForKen (Ford Valencia FanFic) Short Story