•Ford's POV•
Tristan: "Kaya nga naging bully ako kay ken eh! Kasi ayaw ko dumating yung araw na sasaktan siya ng kung sino man. Lalo na, ng isang lalaki! Diba ikaw pa nga yung laging nagtatangol sa kanya dati? Anong nangyari, Ford?! Bakit ikaw yung nananakit sakanya ngayon??"
Naka-tingin lang ako sa malayo. Nag-iisip. Hindi ko na din kasi alam. Hindi ko naman alam na ganon na pala yung nararamdaman ni Ken. Akala niya ba pinapaasa ko siya? Hindi ko alam na ganon na pala siyang nasasaktan.
Ford: "Pasensya na bro."
Tristan: "Tss." Inis pa din niyang sinabi. Alam ko kung gaano ka protective ni Tristan kay Ken. Lahat naman kami protective kay Ken, eh.
Joao: "Do you like her?"
Biglang tanong ni Joao. Nagulat ako sa tanong niya. Gusto ko sagutin pero hindi ko magawang sabihin sa harap nila.
Do I like her? Oo. Gusto ko siya. Hindi ko lang siya gusto. Mahal ko siya. Mahal ko siya matagal na.
"Para sa umaasa at patuloy na umaasa."
Para sa akin ba yun? Obviously. Dahil kung hindi, hindi naman magagalit nang ganito sa akin si Tristan.
Tristan: "Pucha naman." Pabulong na sabi niya.
Kung hindi lang ako kaibigan ni Tristan baka nabugbog na ako nito. Halatang nagpipigil din siya.
Niel: "Bro. Oo o hindi lang ang sagot bakit hindi mo pa magawang sagutin?"
Russell: "Sarah's right, bro. Man up. Tell her what you feel. Wether friends or more than that, just tell her. Stop leading her on."
Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi ni Sarah. Ibang klasi din yun, eh. Kaya minsan naiintindihan ko kung bakit under 'tong si Tristan sa kanya, eh.
Russell: "If you like her.." tuloy ni Russell. Lahat kami tumingin sa kanya. Naghihintay na ituloy niya yung sasabihin niya. Tumingin siya sa baba na para bang hirap na hirap siya sa sasabihin niya. "Just.. just tell her now. Before it's too late. Bago ka pa maunahan."
May hugot ba tong si Russell? Alam ko naman yun, eh. Madaming nagkakagusto kay Ken at sa totoo lang, nakakainis. Lalo na yung Kyle na ex niya. Nagawa pang mag-two time habang sila ni Ken! Buti nalang talaga at nahuli siya.
Dyahe. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakabaliw ang mag-isip.
***
Ilang araw na din ang nakalipas. Hindi ako pinapansin ni Ken. Ramdam ko ang pag-iwas niya. Minsan gusto ko siyang kausapin at sabihin nalang sa kanya lahat. Pero paano kung hindi mag work out? Paano kung hindi naman pala talaga niya ako gusto gaya ng pagka-gusto ko sa kanya? Paano kung mali lang pala ang pagkakaintindi namin sa mga nararamdaman namin? Kung ngayon palang ganito na, paano pa kung magkaroom kami ng mas malalim na samahan na hindi naman pala matutuloy hanggang huli?
Kaya siguro mas okay na to. Na manatili kaming magkaibigan. Dahil kapag nanatili kaming magkaibigan, alam kong magtatagal 'yon hanggang sa huli.
Dahil mas gusto ko nang piliin ang isang bagay na alam kong walang hanggang kesa piliin ang isang bagay na walang kasiguraduhan.
Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kung ano pang natitirang samahan namin ni Ken. I'd rather be near her, silently loving and protecting her than lose everything all at once. Dahil sa totoo lang, hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sa akin. Ganoon ko siya kamahal.
YOU ARE READING
She's My Bestfriend's Cousin
Fiksi PenggemarSide story of Dream Academy. Team #ForKen (Ford Valencia FanFic) Short Story