Isang nakaririnding ingay ang nakapagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog.
For pete's sake five more minutes please. Sobrang dami kong inasikasong papeles kagabi. Mag-aalas tres na nga ata ako nakatulog.
Bakit ba kasi ako pumayag dati na magpa-install ng alarm na control nila Papa? Feeling ko tuloy high school pa din ako hanggang ngayon.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi bumangon at maghilamos. Oo nga pala, makakalimutan ko pa, kaya nga pala kami maaga kasi birthday ngayon ni Hope.
Sa tatlong taon naming magkarelasyon, kailangan kong bumawi. Kapag kasi hindi advance, late naman ang pagbati ko sa kanya. Ganyan akong klaseng boyfriend. Hindi sa hindi ko siya priority pero lagi kasing natatapat sa office meeting yung birthday niya. Kaya tuloy yung focus ko nawawala na sa kung anong okasyon sa araw na yun. Pero last year, muntikan ko na siyang mabati on time.
Sabi ko sa sarili ko, I need, I should, and I will be the last person that will greet her. Para special. Binalak ko din nga na isurprise siya sa kanila. Ang kaso nakatulog ako. Narinig ko na lang yung alarm ko sa kwarto na tumutunog tapos hindi ko pa din pala naiisend yung message ko sa kanya. Yeah right, wala akong kwenta.
“Kent, anak. Birthday ngayon ni Hope kaya lumabas ka na at samahan mo kong bumili ng regalo.” Tawag ni Mama habang patuloy na kinakatok yung pinto.
“Opo alam ko. Di niyo na kailangan pang iremind sa akin.” Sigaw ko habang nagmamadali sa pagbibihis. Pati nanay ko pinapaalala sa akin kung anong meron sa araw na to.
Pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang isang babaeng nakapostura.
“Oh Ma saan may binyagan?” Pagbibiro kong tanong. Kinurot niya ako sa braso at saka inaya pababa. Nauna na siya sa akin. Parang excited ata si Mamang magshopping. Ngayon ko na lang ulit makakasama tong nanay kong to.
Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Mama na nag aantay sa may sasakyan namin. Naglalagay siya ng lipstick habang tinitingnan ang repleksiyon sa side mirror.
“Ma, alam mo namang di pa ako masyadong marunong magdrive. Sinong magmamaneho niyan?” hindi pa ako tapos sa pagsasalita, agad na sumabat ang isang lalaki habang papasok sa driver’s seat. “Ako” tugon niya.
“Pa? wala ka bang pasok ngayon?”. Tanong ko sa kanya habang pumapasok sa loob ng sasakyan.
“Meron, pero birthday ni Hope ngayon . Saka inimbitahan ako ng tatay niya, alam mo naman kapag family friend ang hirap tanggihan.” Tugon niya habang iniistart yung kotse. Ang unfair. Noong birthday ko hindi man lang umaabsent si Papa. Sana naging anak na lang ako ng family friend.
Nang makarating kami sa mall, hindi ko na inintay pang makababa sina mama. Agad akong tumungo sa Bookstore upang siyempre maghanap ng libro. Para akong batang nagmamadali sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit? Feeling ko kasi last na book na yung hinahanap ko. Pagtigil ng mga paa ko sa tapat ng Bookstore agad kong nakita ang librong tinutukoy ko. Luckily sale siya! Makakatipid kahit konti. Since mukhang madami pang stock tumungo muna ako sa Best-Selling section.
“Sir ano pong hinahanap nyo?”. Tanong sa akin ng isang sales lady.
“Ah Miss wala po, naghahanap lang po ako ng bagong mababasa, pangregalo na din po sa girlfriend ko.” Agad na tugon ko habang patuloy sa pag-scan ng mga libro. Bigla naman siyang nawala pagkabigkas ko ng mga salitang iyon kaya't pinagpatuloy ko ang pagtitingin.
“Sir baka gusto niyo po nito." Parang may biglang hanging dumaan sa gawing kanan ko. "Actually limited lang po siya."
Pag harap ko sa kinaroroonan ng tinig na iyon ay biglang bumilis yung tibok ng puso. Iba kasi yung ngiti niya, parang nakakatakot. “Miss nakakagulat ka naman".
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceLife as we know it, is very unpredictable. We are not certain when will it stop, where will it end. What if one day, in a very unexpected event, your world collapsed. The time that you have suddenly stopped. But life itself is playing tricks in you...