Chapter 3. Dazed and Confused

6 0 0
                                    

Hindi ko napansin na nasa bahay na pala kami. Napasilip ako sa bintana bagamat medyo malabo sa paningin ko, natanaw ko si Calixto. Ang ancient talaga ng pangalan nitong bestfriend ko. Nakaupo siya doon sa may gate namin. Nakatungo siya at para bang kanina pa naghihintay.

"Cali!" Sigaw ko sa kanya. Hindi niya siguro napansin yung pagdating namin. Nilapitan ko siya kasi parang hindi niya ako narinig.

"Cali, kanina ka pa dito?" Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Tumayo siya at kinuha yung cellphone niya.

"Eh gago ka pala e, sabi mo pumunta ako dito. Naligo pa ako para dito at alam mo namang hindi ako naliligo basta basta kung walang dahilan." Binatukan niya ako at pinakita yung text ko sa kanya. Para siyang kuya ko kung magalit sa akin.

"Sorry na, hindi ko kasi maalala. Ang weird ng mga nangyayari sa akin ngayon. Gusto mo pumasok muna?" Tumango lamang siya at sinundan ako sa paglalakad.

Nang makapasok kami sa bahay ay sinalubong kami ni Mama. Parang anak na ang turing niya kay Cali kasi since elementary, kaibigan ko na siya. Lagi din siyang nasa bahay at tumatambay. Kaya naman nung namatay yung nanay ni Cali noong high school kami, halos isang taon siya dito sa amin. Di niya kasi matanggap na wala na si tita at sobrang sakit sa kanya na napalitan agad ang nanay niya.

"Birthday ngayon ni Hope diba? Pupunta ka ba?" Tanong ni Cali habang nakahiga sa kama ko.

"Bakit naman hindi? E girlfriend ko yun." Tugon ko. Anong bang nasa isip nitong taong to.

"Sa totoo lang, noong first year niyo lang kayo mukhang magkarelasyon. Alam mo yun? Sobrang sweet niyo nun, kahit alam niyong bawal lumalabas pa din kayo."

"That was before magkaroon kami ng work. Ngayon ko na nga lang ulit makikita yung girlfriend ko." Umupo ako doon sa bangko sa may study table ko.

"Exactly, ngayon mo na lang ulit makikita yung 'girlfriend' mo." Talagang binigyan niya ng emphasis yung salitang girlfriend at bumangon pa siya para lang tingnan ako sa mata.

"Mahal namin ang isa't-isa. Kahit hindi kami magkita sa personal, ayos lang iyon." Tumalikod ako sa kanya at hinarap ang study table ko.

Nakakamiss pala dito. Naalala ko tuloy noong college, fourth year na kami noon nung nag stop si Hope. Lagi kasi siyang busy dahil mas ginusto niyang maging model. Umeextra din siya sa mga movie. Minsan nga after ng shoot nila, almost midnight na noon nung bigla siyang pumunta dito. Nagsususlat ako noon ng kanta tapos bigla siyang pumasok. Nagulat ako kasi hindi ko alam kung narinig ba niya akong kumakanta.

"Nakikinig ka ba?" Bigla kong narinig si Cali. Hala may kasama nga pala ako.

"Ha? Oo naman." Humarap ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang libro.

"Ano 'to? Bakit mo to binili e wala namang nakasulat?" Binubuklat buklat niya yung mga pahina ng libro.

"O tingnan mo." Lumapit siya sa akin at inabot ang librong tinutukoy niya. 'Destiny' ang title noon at wala ngang nakasulat.

Yung isang libro. Di ako mapakali ng bigla kong naalala yung sinabi nung babaeng guard na sales lady din sa Bookstore.

"Siguro diary yan or something. Pero I dont get it, bakit wala man lang mga guhit. Saka ang plain ha, white lahat tapos yung text lang yung black. Wala pang ibang sulat kung hindi yung title."

"Shhh shhh wag kang maingay. Para ka na namang babae." Saglit akong pumikit at pilit na hinahanap ang nangyari kahapon. May nangyari kasi kahapon. Sa akin. Sa party ni Hope. Parang malungkot. Masakit. Parang ...

"Anak kumain muna kayo." Biglang pumasok si Mama sa kwarto na may dala dalang meryenda.

Kainis. Naputol tuloy pero medyo naaalala ko na. Medyo malabo lang yung picture sa utak ko pero malapit ko nang maalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon