Saglit kong hininto ang sasakyan sa isang parkeng ang tanging ilaw ay isang lamp post. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Bumaba ako at naglakad lakad. Dito kami unang nagkita. Nakita ko yung swing na inupan ni Hope noong una ko siyang makita.
Hindi ko pa siya kilala noon kasi bagong dating lang sila dito. Bakasyon noon at naglalaro lahat ng bata dito pero siya nakaupo lang sa swing.
Nilapitan ko siya at nakipaglaro. Sumunod din sa akin si Cali, na bungal pa noon at saka yung isang babae na pinsan niya siguro. Bata pa ako noon pero alam kong gusto ko na siya. At noon nga lang 20th birthday ko right after college graduation, sinubukan kong sabihin sa kanya ang matagal ko ng tinatago.
Naging kami after some months at hindi ko inaasahang ang three years na iningatan ko ay mauuwi lang pala dito. Para akong tangang nagdadala ng wallet na walang laman. Iniingatan ang isang bagay na walang kabuluhan.
"Hoy, anong ginagawa mo dito?" Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang babaeng naka white dress at nakaupo sa bench katabi ng isang malaking puno.
"Ikaw, bakit nandito ka? Gabi na ah." Tugon ko habang marahang dinuduyan duyan ang sarili.
"Ang boring kasi sa party kanina. Sorry nga pala." Nakita ko siyang papalapit sa akin at laking gulat ko ng makita ang kanyang mukha.
"Ikaw yung nabangga ko sa mall kanina diba?" Tanong ko.
"Yes. At ikaw naman yung niloko ng girlfriend kanina diba?" Tugon niya.
"Ha-ha-ha, funny." Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ito ang tamang oras para sa biruan.
Umupo siya sa katabi kong swing at inugoy din ng bahagya ang sarili.
"Alam mo dapat nagpropose ka na din sa kanya. At least alam niyang seryoso ka talaga."
"Paano mo naman nalamang magpopropose ako sa kanya?"
"Nandun ako kanina sa shop, actually sa amin iyon. Design ko yang nabili mo." Nakangiti lamang siya habang nakatitig sa kawalan.
"Dapat ginawa mo na iyon whatever the outcome is. Maiksi lang ang buhay and you might regret not doing the things you should've done."
Tahimik lang akong nakikinig nang bigla akong nakarinig ng ingay mula sa kinaroroonan ng sasakyan ko. Napatayo ako ng makita kong tinatanggal ng apat na lalaki yung side mirror ng aking kotse. Nakita ko rin na basag na yung salamin ng sasakyan. Malayo ang kinaroroonan nila pero alam kong nakuha na nila yung cellphone ko. Pati yung iPad na hiniram ko kay Mama.
"Hala, bagong bigay sa akin nina Papa yan!" Ang tanging nasigaw ko habang patakbong lumalapit sa kanila. Tumingin lamang sila sa akin pero parang hindi natitinag ang mga iyon kahit alam nilang papalapit na ako. Nang matanggal nila ang huling side mirror ng sasakyan ay bumunot ng baril ang lalaking malapit sa akin.
"Teka -" At umalingawngaw ang putok ng baril na pinuno ang tahimik na paligid. Napapikit na lang ako sa gulat.
Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang kalawakang puno ng bituin. Nakahiga na pala ako sa damuhan. Kinapa ko ang tagiliran kong may bahid ng dugo. Bago ako tuluyang pumikit ay narinig ko ang paparating na ambulansiya at sa gawing kanan ko ay tumambad ang nag aalalang mukha ng babaeng kausap ko kanina na unti unting lumalabo, naglalaho. At tuluyan ng dumilim ang paligid.
***
Isang nakaririnding ingay ang nakapagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog.
For pete's sake five more minutes please. Sobrang dami kong inasikasong papeles kagabi. Mag-aalas tres na nga ata ako nakatulog.
Bakit ba kasi ako pumayag dati na magpa-install ng alarm na control nila Papa? Feeling ko tuloy high school pa din ako ngayon-n. Hmmmm. Teka lang. Parang nangyari na to. Hindi ko lang masyadong matandaan pero nangyari na ito.
BINABASA MO ANG
Begin Again
RomanceLife as we know it, is very unpredictable. We are not certain when will it stop, where will it end. What if one day, in a very unexpected event, your world collapsed. The time that you have suddenly stopped. But life itself is playing tricks in you...