MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..

9.9K 5 1
                                    

~>ANG NILALANG...

Walang tigil sa pagwawala

si Merlinda. Halos sumabog

ang mga litid ng leeg niya

sa pagtatangkang gumawa

ng ingay mula sa bibig na

may busal. Hanggang maramdaman niya ang

paghablot sa katawan niya

ng isang nilalang.

Mababalahibo ang mga

kamay niyon at matutulis

ang mga kuko na agad tumusok sa magkabilang

tagiliran at nagpasirit sa

dugo sa kanyang

katawan... NAPALINGON si Merlinda

nang marinig ang lagaslas

ng tubig mula sa palikuran.

Kagagaling lang niya sa

banyo at tiyak niyang

walang ibang tao roon. At bakit nga magkakaroon

ng tao gayong nag-iisa

lang siya sa bahay. Mamaya

pa ang dating ng boyfriend

niyang si Andrew. Pumapagpag ang dibdib na

naupo siya sa malambot na

sofa. Hindi niya maalis ang

mga mata sa gawing

kinaroroonan ng comfort

room. Nagtataka siya pero natatakot namang silipin

iyon para bigyang sagot

ang kuryosidad sa isip. Nagitla pa siya nang

marinig ang lagitik ng

seradura. May nagbukas

ng pinto.

"Sweetheart!" gulat na

gulat si Andrew nang makita siya na biglang

tumayo mula sa

kinauupuan. "Ginulat mo

ako, ah. Kanina ka pa?" Lumapit sa kanya si

Andrew at ginawaran siya

ng halik sa labi. Hindi na rin

nagtaka ang lalaki na

nakapasok siya sa

apartment nito kahit wala ang binata. Binigyan kasi

siya ng duplicate key ng

nobyo para maaari siyang

makapasok doon na hindi

na ito hihintayin pa. "May dala akong cake.

Nasa refrigerator.

Pinakialaman ko na ang

gamit mo," medyo nahihiya

pa niyang sabi. "I'll guess.

Blackforestcake..."

nakangiti si Andrew Iyong

klase ng ngiti na

nakakalimutan niya ang

lahat. Ngumiti si Merlinda.

MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon