Tawag..
Kung magiging observant
lang si Michelle, marahil ay
makikita niya ang labis na
sakit na umaalipin noon sa
bestfriend niyang si Jerry.
Ang dahilan ay ang pinasabog ni Michelle na
ayon dito'y good news. Ngunit ang good news
nagmistulang balaraw na
tumarak sa dibdib ni Jerry.
Katotohanan iyong
pinakalilihim-lihim ng
binata. Sina Michelle at Jerry ay
best of friends since grade
school. Sa iisang school sila
nag-aral Simula prep at
maging sa kolehiyo ay
sadyang sumunod si Jerry sa university na pinili ni
Michelle. May lihim na pagmamahal si
Jerry sa kaibigang matalik.
Sa kasamaang-palad, hindi
mutual ang damdamin nila.
Sa katunayan ay ibinalita ni
Michelle sa kaibigan na sinagot na nito ang two
year old suitor na si Maui.
Mag-boyfriend na ang
dalawa. "I'm happy for you,
bestfriend." "Thanks, Bro. Alam ko
naman 'yon. But it doesn't
mean na magbabago na
ang lahat sa atin. Tayo pa
rin ang best of friends,
right?" "Of course. Oo naman
siyempre. Wala na akong
makikitang bestfriend na
tulad mo." "Wow naman! Touched
naman ako d'yan. Love
you." Naglalambing na niyakap-
yakap pa ni Michelle ang
kaibigan. Wala itong
kaalam-alam sa tunay na
saloobin ni Jerry nang mga
sandaling iyon. Iyon ang Simula ng biglang
pagbabago ng mood ni
Jerry. Naging
malulungkutin ito. Na
walang magbabago sa
pagkakaibigan nila ni Michelle ay hindi ganoon
ang nangyari. Magmula nang maging
official boyfriend ni Michelle
si Maui ay bihira nang
magkasama sa mga
lakaran ang magkaibigan.
Kung dati ay sinusundo ni Jerry si Michelle after office,
ngayo'y ang boyfriend na
nito ang gumagawa niyon. Mula sa trabaho, walang
ganang umuuwi na lang ng