MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..(02)

1.5K 2 0
                                    

Ghost Talk...

Buwan ng October noon,

panahon ng fieldtrips sa

school na pinapasukan ni

Annie, kung saan siya ay

isang English teacher. Kung

si Annie ay high school teacher, ang asawang si

Roger naman ay isang

highway patrol officer. Nang araw na iyon ay nasa

Manila si Annie, nasa

fieldtrip, kasama ng

kaniyang mga estudyante.

Lunch time noon kaya

naisipan nitong tawagan sa cellphone ang asawa. Ang

totoo, gawi na ni Annie na

tawagan ang asawa from

time to time upang

masigurong ligtas ito sa

trabaho. Sa unang trial ay busy ang

linya ng asawang si Roger.

Ipinasya ni Annie na mag-

try ulit after ten minutes. "Hello? Pa.. .oo, nasa Ayala

kami ngayon. Nag la-lunch

ang mga bata, e. Nag-lunch

ka na ba?" "Hindi pa nga, e. Mga anong

oras ka ba makakauwi?" "By seven siguro nasa

school na kami. Ikaw?" "Hindi ko sure, Ma." "Wag kang magpa-late

walang kasama ang mga

bata.. .si Tita lang." "Pag hindi dumating ang

kapalit ko paano ko

makakaalis dito?" "Hello? Hello, Pa.. .choppy

ang dating mo.. .hello?" "Try ko pa rin makauwi ng

maaga." "Hello.. .hello, Pa, hindi kita

marinig .. .hello?" "Sabi ko try ko makauwi

ng maaga." "Okay. Ano'ng gusto mong

pasalubong" "Kahit wala." "Buko pie?" "Ano ka ba? Alam mo

namang hindi ako

kumakain no'n. Ma, s'ige

na.. .on duty ako baka

marinig ako ng amo ko ." "Okay. Ingat ka d'yan." "Ingat din." "Pa..." "O...?" "Mahal kita..." Sa kinaroroonan ni Roger

ay bahagya itong

napakunot-noo. "Okay. Bye-bye na." "Hindi ka naniniwalang

mahal kita?" "Oo na. Sige na, 'Ma. Bye." "Okay. See you later. Be

faithful." Lalong kumunot-noo si

Roger sa huling tinuran ng

asawa bago naputol ang

linya. "Pare, sino 'yon? Si Misis

ba? Chinecheck ka agad?

Aga naman?" pabirong

komento ng kasamahan ni

Roger. Nangiti lang si Roger at

muli nang lumulan sa patrol

car. Kinagabihan ay nauna pa

ring makauwi ng bahay si

Annie kaysa sa asawa.

MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon