MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..(04)

852 4 1
                                    

~>M0VIE ADDICT..<~

Napalingon ako at nakita kong nakababa ang

seat ng upuan na parang

may nakaupo o nakadagan

dito. Maya-maya lang, may

tawanan akong narinig sa

palibot ko... Noong bata pa ako, madalas magkuwento si

Tatang ng napanood

niyang sine sa Maynila

noong kumukuha siya ng

Medisina sa UP. Wala pang

kuryente noon sa baryo namin kaya walang

sinehan at wala pa ring TV.

Sa kuwentuhan na lang

nagkaka-sundo. Kaya lumaki akong mahilig manood ng sine.

Noong nasa high school pa

ako, nagawa kong huwag

pumasok sa eskuwela dahil

showing ang magandang

pe1iku1a. Maglalakwatsa ako sa bayan para manood

ng sine.Trenta pesos lang

ang isang palabas. Mura dahil late ang palabas ng isang buwan sa

release nito sa Maynila.

Kung Ingles naman ay

double program dahil

nineteen-kopong-kopong

pa ang karamihan. Isa pa'y luma na rin ang sinehan at

halos pasara na. Dito ako

laging nanonood dahil

fifteen-minute walk lang

ito mula sa eskuwelahan

namin. Hanggang sa mag-college

ako ay dala-dala ko pa rin

ang hilig kong ito. Sa

Angeles kasi, ang daming

mga sinehan. Tuwing

Miyerkules ang change program ng mga Ingles na

double program

samantalang Lunes naman

ang mga Tagalog. Lahat ito

ay inuubos ko. Para

makatipid, binarkada ko ang mga bantay sa mga

sinehan lalo na iyong sa

mga Ingles. Paglabas sa

eskuwela ng alas-nuwebe,

tuloy na ako sa sinehan.

Sarado na sa oras na iyon kaya binibigyan ko na lang

ng panigarilyo iyong

guwardiya para papasukin

ako. Ang , siste, kadalasan

ay wala akong nabubuong

pelikula dahil iyong last portion na lang ang

napapanood ko sa isa at

iyong unang portion lang

sa ka-double dahil

magsasara na ang sinehan

dahil alas onse na. Pero natigil ang libangan kong iyon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon