Chapter 14: Vacation In Tagaytay III

3 0 0
                                        


Anastacia POV 


" Anong nangyari dun ?" ako habang tinitingnan ang papalayong Psyche 

" Ewan , baka aheem nagseselos " Nathan na nakangiti ng nakakaloko 

" Ha , Kanino naman siya magseselos ? At bakit naman siya magseselos ?" ako na sobrang naguguluhan na talaga sa pinagsasabi ni Nathan

"  Baka sakin diba , sino pa ba ang kausap mo dito maliban sakanya ? Atsaka paano hindi siya magseselos eh hindi mo kinakausap o tinitingnan man lang." Nathan na sinisimulang ligpitin yung pinagkainan namin 

" Yun lang ang OA naman niya , atsaka ang awkward kaya hindi ba niya feel na sobra talagang awkward sa aming dalawa." ako habang tinutulungan siyang ligpitin ang pinagkainan namin. 

" Hay naku Tacia ang slow mo." Nathan

" Anong slow ka diyan , hindi ah." ako 


" Bahala ka , Kung ako sayo maligo kana at magbihis kana dahil diba sabi mo maliligo pa tayo sa dagat kasama ang barkada at maglalaro ng volleyball diba ?" Nathan habang sinisimulan nang hugasan yung mga plato na ginamit namin kanina.

" Sigurado kang kaya mo na yan ?" ako 

" Oo nga , bilisan mo na." Nathan

" Sige , sige magbibihis na lang ako kasi tapos naman akong maligo ." ako 

" Oo na , hihintayin na lang kita dito sa baba." Nathan 


Umakyat na ako sa taas para makabihis na nang susuotin ko kasi maliligo kami sa dagat mamaya tsaka maglalaro rin kami ni Nathaniel at nang barkada mamaya.


Pababa na ako ngayon pagkatapos kong magbihis ng damit , simple lang naman yung suot ko naka two piece ako na pinatungan ko nang summer net dress.


Nakita ko agad si Nathan na nanonood ng tv sa sala kasama si Psyche, Kevin, Ian, at Kei umubo ako para mapansin nila ang presensya ko na nandito na ako.

Unang tumingin sa akin si Nathan tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, mukhang minamanyak pa ako ng walang hiya.


" Hoy anong tinitingin- tingin mo diyan ha ? " ako naggalit-galitan ako para hindi nila mahalata na sobrang naiilang na ako sa tingin nila.


Pagkatapos sabay-sabay namang lumingon sina Psyche,Kevin,Ian at Kei 


"Nice naman Anastacia" Sabi ni  Kei with matching taas-baba ng kilay niya 

"Ewan ko sayo, Oh ! Ano pa ang hinihintay niyo diyan ?" Ako at na una nang lumabas sakanila.

Grabe sobrang awkward yung kanina ah ! Naglakad ako papunta sa tabi ng dagat grabe ha,hindi naman sa AMBISYOSA pero nahalata ko lang ah habang naglalakad ako papunta sa tabing dagat madami ang tumitingin sa akin na lalake.

Ano ba talaga ang problema sa suot ko ?


"Oh Tacia bakit ka mag-isa akala ko ba kasamo mo si Nathan na pumunta dito ?"sabi ni Kyle na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ah sumusunod sila sa akin."ako yan na parang nahihiya sa pagtingin niya sakin na para bang sinusuri ako !

"Parang ang ganda yata natin ngayon Tacia ah."bigla namang nagsalita si Jared sa likuran ni Kyle.

"Anung maganda ka diyan,eh hindi nga ako naka make-up eh."ako habang nakayuko

"Kahit wala ka mang make-up maganda ka parin no !"sabi naman ni Xander sa gilid ako at bigla akong inakbayan


"TSK,nakakabanas yung mga yun ah."biglang may nagsalita sa likuran namin.Paglingon ko si Psyche lang naman pala at mukhang badtrip siya ah.


"Ha? Sino kaaway mo ?"ako

"Wala,pwede ba mag palit ka nga dun ang pangit ng suot mo"Psyche habang sa ibang direksyon nakatingin 

"Bakit ano bang masama sa suot ko?"ako naiinis na ako kay Psyche ano bang problema sa suot ko 


"Tsk,masama marami ka nang nabubulag dahil dyan sa suot mo"Psyche na hindi parin tumitingin sakin.

Pero ano daw maraming nabubulag?!





________________________________________________________________________________

Pabitin effect ;) Sorry ngayon lang ako ulit naka update <3




BESTFRIENDSWhere stories live. Discover now