CHAPTER 2

19 0 0
                                        

"MALABO BA ANG MGA MATA MO PARA HINDI MO YAN MABASA O SINADYA MO LANG TALAGA NA MAUPO SA UPUAN KO PARA MAPANSIN KITA?" nakangisi niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Titig na titig din ako sa kaniya na animo'y isa siyang Anghel. Babaeng Anghel na may dalaw. Hehe

"W-wag mo nga akong titigan ng g-ganyan. T-tsaka, lumayo ka nga! Kanina mo pa nilalapit sarili mo sakin e! May gusto ka pa din sakin noh? HAH!" lakas loob kong sigaw sa kaniya dahilan para magtinginan lalo ang mga estudyante sa eksena namin. Napapikit ako sa kahihiyan habang siya naman, pinangdilatan ako ng mata dahil gulat na gulat siya sa mga sinabi ko. LUPAAA!!! KAININ MO NA AKOOO!

"A-Ang kapallll kapaaal din ng mukha mo e noh? Yung upuan ang gusto kong makuha. Hindi ikaw. Hindi naman kasi ako mahilig mang agaw ng pag aari ng iba at sigurado akong hindi rin papayag yang upuan ko na magpaagaw. Marunong kasi magpahalaga ang mga tao dito... Hindi katulad mo." ibinulong niya ang mga huling salita pero narinig ko parin. Ngayon,hindi ko alam kung upuan pa din ba yung pinag aawayan namin o yung nakaraan na.

Napatitig lang ako sa kaniya at hindi na nakapagsalita. May mahal na kaya siyang iba? Nakamove on na kaya siya sa akin? May bago na bang nagpapatibok ng puso niya ngayon?

"Maghanap ka nalang ng iba." seryoso ngunit nakangising sabi niya. Hindi ko alam kung upuan ba ang tinutukoy niya o may iba pa.

Nakanguso akong nagpalinga linga sa buong classroom para maghanap ng bakanteng upuan pero nabigo ako. Bumuntong hininga ako.

"Uhm... Bakante 'tong upuan na 'to oh. Hehe." matamis ang ngiti ng isang babae sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan niya na katabi din ng upuan ni Shan. Lumipat ako sa upuan na inialok sa akin kaya nakaupo na din si Shan sa pinakamamahal niyang upuan.

Tsh! Bakit hindi ko nakita tong upuan na to kanina?!

Sumulyap ako kay Shan at agad akong nagtaka nang makita ko ang nakataas niyang kilay habang nakatingin sa babae na nag alok ng upuan sa akin ngunit agad din siyang tumingin sa akin at saka pasiring ulit na bumaling sa harapan.

Kumibot-kibot ang labi ko dahil sa sobrang inis..

"Pinahiya pa ako eh magkatabi lang naman yung uupuan namin. Tsh. Daming alam. Akala mo naman, Big deal na big deal ang maagawan siya ng upuan. Tsk" bulong ko sa sarili ko habang nakangusong nakatingin sa teacher at saka pasiring na tinapunan ng masamang tingin ang katabi ko ngunit ganon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin na siya sa akin ng masama. Masamang masamang tingin na parang sinusunog na ako ng buhay sa isip niya. Magkasalubong ang kilay niya bagaman nakataas ang kanang kilay niya. Pasiring niyang inalis ang paningin sakin at saka tumingin ulit sa harapan.

"Sungit." pasiring ko ring inalis ang paningin ko sa kaniya at saka bumaling din sa harapan. Itinuon ko nalang ang paningin ko kay Ma'am Ramos at saka nakinig.

"Hi." Natigil ako sa pakikinig nang biglang nagsalita ang babaeng nasa kaliwa ko kaya nilingon ko siya.

"Hello. Hehe" nginitian ko lang siya at bumaling ulit sa harapan ngunit nagsalita ulit siya.

"Uh... I'm Grace... you are...??" nilingon ko siya at nakita ko siyang nakalahad ang kamay. Wala akong nagawa kundi ang abutin ang kamay niya at nagpakilala.

"Ethan." tipid kong sagot habang nakikipag shake hands sa kaniya. Nakangiti lang siya habang titig na titig sa akin. Tss. Binitawan ko ang kamay niya at muling bumaling sa harapan. Humilig akong mabuti sa upuan.

Nahagip ng paningin ko si Shan. Halos magsuntukan ang mga kilay niya sa sobrang pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa harapan. Nakatiim din ang kanyang mga bagang na animong galit na galit. Nang maramdaman niya ang titig ko sa kaniya ay saka siya lumingon sa akin. Nakanguso na siya ngayon at bahagyang nawala ang pagkakakunot ng noo.

MY BOUNDLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon