Shan's POV
*Krriiiiiiiinnnnnngggg*
Recess na. Lumabas na ang lahat para magmeryenda kasama ang mga barkada nila. Babae sa babae. Lalake sa lalake. Ako lang yata ang kakaiba dahil lalake ang mga kaibigan ko. Lumapit na sa akin sila Erol at Xenon.
"Shaaaannnnnnnn!!!!!!" tawag sakin ni Xenon. Tumawa nalang ako. Tss. Kahit kailan talaga to.
"Libre da kami man Miss President. Naamwam lang nga agkaeskwela kayo ni inspiration mo ket.. Ahehehe" pang aasar ni Erol.
Translator:
Ilibre mo nga kami Miss President. Nalaman mo lang na magkaklase kayo ni inspiration mo eh... AheheheKaya ayokong magkwento sa kanila eh. Lagi nilang ginagamit pang asar sa akin.
Si Erol ang top 2 dito sa klase. Malibog pero seryoso sa jowa. Matangkad siya at may itsura. LoL at Basketball player pero di napapabayaan ang studies.
Si Xenon naman ang heart throb dito sa campus. Ang gwapo kasi niya. Matangkad, matangos ang ilong, mapula ang labi, makapal ang kilay, Lol Player at Basketball player din... Pero ngayon, may mas gwapo na ulit sa kaniya.
"Shaannntaaaallll!!" nagulantang naman kaming tatlo nila Xenon nang biglang sumigaw si Gab. Classmate ko noong elementary at first year. Hindi pa rin siya nagbabago. Ang ingay ingay pa rin niya. Nakaspread ang kanyang mga kamay na parang gusto magpayakap dahil close naman kami pero in-apir ko nalang ang isang kamay niya.
"Yow." walang gana kong sambit. Nahagip kasi ng mata ko si Le--Ethan na kausap yung grupo nila Nickashae, Grace, Selena, Ciarmy at Irene. Grupong maka-exo. Like duh. Oo aaminin ko na ang cute ng members ng Exo pero never ako naging die hard fan ng mga korean group or kahit na ano, o sino. Mas gusto ko pa ang Fliptop kesa mga ganyan.
"Huy. Bakit ang sama ng tingin mo sa mga kausap ni Ethan?" gulat naman akong napatingin sa sinabing yon ni Gab na ngayon ay akbay akbay na ni Justin at Andrei. Tss. So talagang naiwan mag isang lalake ni Le--Ethan doon ha?!
"A-Ano bang sinasabi mo?! " asik ko sa kaniya pero tatawa tawa lang silang tatlo.
"Baka gusto mo kaming ipakilala sa mga kaibigan mo, Miss President? " kunwaring namang nagtatampo si Gab pero inirapan ko lang siya.
"Erol Ventura, Xenon Madriaga, sila pala si Justin Chua, Andrei Calvez, at ang napakagwapong payaso na si Gabriel Costalez." pagpapakilala ko sa kanila habang tinuturo sila isa isa. Bigla namang tumawa si Gab at sumigaw ng..
"Ethaaaaan! Tinawag akong gwapo ni Shaaan!!!!!" sigaw ni Gab na halatang nang aasar. Napatingin naman ako kay Ethan na ngayon ay nakangiti pa ding nakikipag kwentuhan sa grupo nila Grace. Tss. Bakit ba siya ngiti ng ngiti sa babaeng yon!!!! Pero---wala naman akong pake.
Lumingon sa banda namin si Ethan at nagpaalam saglit sa grupo. Papalapit na siya ng bigla akong kinalabit ni Xenon at may binulong.
"Siya ba yung tinutukoy mong Lex? Yung patay na patay ka at hindi mo magawang kalimutan? " Nag sign ako ng 'sssshhhh' at kinurot yung bewang niya pero tinawanan niya lang ako.
Tss. Kahit kailan talaga tooooo.
"Mas gwapo pa ako diyan eh. " bulong niya ulit at saka tumawa ng tumawa. Natawa nalang din ako dahil sa kahambogan niya.
********
Xenon's POV
"Ethaaaaan! Tinawag akong gwapo ni Shaaan!!!!!" sigaw nung Gab. Napansin ko naman na nakatingin si Shan doon sa Ethan na yon. Pansin ko na ang talim ng tingin niya sa grupo nila Grace. Nagseselos kaya siya? Magdadalawang taon na pero si Ethan pa rin talaga. Siguro nga, ako man ang First boyfriend ni Shan, alam ko namang hindi ko mahihigitan si Ethan sa puso niya.