Shantal's POV
Nanunuod kami ngayon ni mama ng T.V habang kumakain ng popcorn. She's been my bestfriend slash mom slash cook slash hero slash teacher. Close na close kami to the point na halos lahat ng secrets ko ay alam niya.
"Mama, Sleepover kami kala a-ano mamaya. Gagawa kami ng project. " bigla naman akong tinaasan ng kilay ni mama at ngumiti ng nakakaloko.
"Sino? Sino? Sino?" tanong niya habang tinutusok tusok ang tagiliran ko.
Umirap naman ako sa kawalan at hinarap siya. "Sa bahay nila Ethan, Ma. And FYI, project lang yon. Project lang. " at saka ako ulit humarap sa Tv.
"Eh ano pang ginagawa mo? Nakahanda ka na ba ng gamit mo? Magshower ka na at magbihis. Mag-aalas sais na oh." at saka niya ako tinulak tulak papunta sa kwarto ko. The next thing I knew, nasa harap na ako ng C.R at may hawak na tuwalya. Hindi ko nga alam kung paano napunta sa akin tong tuwalya e.
Mga Twenty minutes din siguro ako naligo kaya binilisan ko ang pagbibihis. Kung ano ang madampot ko, yun na ang isusuot ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, nagulantang ako sa itsura ni mama na parang pinagsakluban ng langit at lupa habang nakapamaywang.
"What do you think you are wearing, Shan? " puna niya sa suot kong jersey shorts at malaking t shirt na parehong may number eight sa gilid.
"Why? Ang astig kaya. Si mama talaga walang ka-taste taste. Hays." Inirapan niya ako at pumasok sa kwarto ko deretso sa closet. No way. No way. No way!
"Here. Ito ang isuot mo. Tsaka diba favorite mo naman ito noon? Sleepover ang pupuntahan mo at hindi basketball practice. Kailan ka pa naging tomboy Shantal Yvess? Hala sige! Bihis! " hinila niya ako sa loob at siya ang lumabas sabay lock ng pinto.
Tinitigan ko ang damit na hawak niya at para talaga akong nasusuka kapag suot suot ko ito.
Xenon's POV
Alas sais na ng gabi at papunta palang ako sa bahay nila Shan para sunduin siya.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nila at tumambad sa akin si Shan na naka pantulog na. Natawa nalang ako dahil ang boyish na Shantal ay nakasuot ng pajama na may barbie na designs. Bigla naman akong natahimik dahil sa masamang titig niya.
"One more laugh and I'll surely hit your balls." walang emosyon niyang sabi. Ano nanaman kayang nakain nito at wala nanaman sa mood?
"Uhh... Where's your mom? Ipapaalam kita." Tanong ko sa kaniya.
Inirapan naman niya ako at bigla siyang nag-pout. "Nasa loob chine-check yung bag ko. " hays. Ang cute cute talaga niya kapag naka-pout. Pumasok naman ako sa loob at nadatnan ko nga doon ang mama niya na tinitignan ang bag ni Shantal. Mga gamit niya siguro na dadalhin niya mamaya sa sleepover.
"Hi tita. Good evening po." bati ko sa kaniya. Naging close na din kami noong kami pa ni Shan. Medyo may ilangan nga lang nung fresh pa ang break up namin pero noong tumagal, parang wala nalang. Besides, I'm Shan's bestfriend.
"Oh Xenon! Ikaw pala! Kasama ka ba ni Shantal sa sleepover mamaya?" tanong niya at saka ako niyakap.
"Yes tita. Magka-group po kami. Ready na po ba si Shan?" tanong ko kay tita habang tinitignan ang bag ni Shantal sa ibaba. What's that pink cloth with uhh--- barbie designs?? Is tha--
"Oh! Speaking of ready, buti nalang talaga chineck ko ulit itong bag ni Shan. See? Muntikan niyang makalimutan ang favorite undies niya. " sabay hawak niya sa color pink na undies na tinitignan ko kanina. Mahilig ba talaga siya sa barbie? Yung parang fairy or butterfly something na ang laki laki ng pakpak? Okay, ang awkward. Sana aware si tita na lalaki ako. Hehe