Chapter Three

17K 493 36
  • Dedicated kay sentiemotera
                                    

[Chapter Three]

Kelan masasabing tama na?

Kelan masasabing dapat sumuko na?

Kelan dapat magpasiyang palayain na siya?

“So kamusta naman kayo ni Gab?” Tanong ng napakabruha kong best friend na si Ally matapos magsip sa juice na iniinom. Nagkibit-balikat lang naman ako sabay ngiti.

“Anong ewan mo? Apat na taon na kayong mag-asawa tapos ewan mo?” Naglakad ako mula kitchen papuntang sala. Sumunod naman siya at dun na kami nagkwentuhan.

“Pati ba’t ganun? 4 years na kayo, ayaw niyo pang mag-anak. Stable naman kayo. E kami nga ni Kiel, 2 years palang pero dalawa na ang anak.” Oo, mula nang ikasal yang bruhang yan, taon taon nanganganak.

And yes, dalawa na nga ang anak nila. Dalawang lalaki. Sina Kalel Kier at Clark Kien. Yep. Hango sa mga pangalan ni Superman sa TV Show na Smallville. E sa adik yung mag-asawa dun e. Naawa nga ako sa mga bata. Malamang lamang pag naging babae susunod nilang anak, either Lois, Lana, or Chloe ang ipapangalan nila. Or worse, baka pagsama-samahin pa.

So anyway, back to the story…

“E paanong may mabubuo e wala namang ginagawa.” Sabi ko lang sakaniya sabay smirk. Nanlaki naman yung mga mata niya.

“YOU MEAN hindi kayo nagchuchuchu ni Gab?!” Pasigaw niyang sinabi pero hininaan dun sa latter part. HAHA bruha talaga ‘tong babaeng ‘to. Tinanguan ko lang siya.

“WEH?! E bakit? Nakaya mong walang chuchu chuchu? Wow a.” Amazed na amazed naman ang itsura ng bruha. Tinaasan ko nga ng kilay.

“Ano namang akala mo sakin? Hayok na hayok sa ganun?” Aba’t nginisian ako ng bruha kong bespren. Haha! Pambihira.

“Pati parehas kaming busy. Pagdating ng gabi, gusto na lang namin parehas magpahinga at matulog.” Mahinahong explain ko naman sakaniya pero napailing lang si Ally.

“Alam mo bespren, may problema ang relationship ninyo ni Gab. Kulang kayo sa romance.” Seryosong sabi niya sakin. Kilay ko naman yung napataas this time.

“Sa bawat relasyon, importanteng may romansa. Hindi naman porket romansa, dapat sex na agad. Ibig kong sabihin dapat may intimacy pa rin kayo kahit mag-asawa na kayo. May kilig vibes pa rin. E sa pagkakakwento mo, parang bed mates na lang kayo ni Fafa Gab e.”

Napabuntonghininga na lang ako.

Hindi ko kasi maikailang tama si Ally sa lahat ng sinabi niya.

May malaking problema nga sa relasyon namin ni Gab.

Ilang araw ko ding dinala yung mabigat na pakiramdam na dala nung realization sa pag-uusap namin ni Ally. Matagal ko naman nang alam na may problema talaga sa relationship namin ni Gab pero ayoko lang din aminin sa sarili ko.

Ok naman kasi kami. Hindi naman kasi kami nag-aaway. Yun nga lang, hindi rin kami naglalambingan. So… Hindi rin talaga ok. Haha! Ang labo noh?

Paano bang ginagawa sa mga sitwasyong ganito?

Yung sitwasyong nanlalamig na kayo sa isa’t isa.

Yung parang sa papel na lang kayo mag-asawa.

Yung tipong kinukwestiyon mo na kung nagmamahalan pa ba kayong dalawa.

Haaay… Akala ko happy ending na, mukhang hindi pa pala.

That night, inantay kong umuwi si Gab. Inilaan ko yung buong gabi para maghandang kausapin si Gab. Hindi na ko nag-uwi ng trabaho. Importanteng mapag-usapan namin ‘to ni Gab.

“O? Gising ka pa?” Bungad niya pagpasok ng kwarto namin. Ginawa naman niya yung normal na ginagawa niya tuwing umuuwi siya. Ang maghubad para magbihis.

“Inantay talaga kita.” Sabi ko. Palakad lakad naman siya sa kwarto namin dahil nagbibihis nga.

“Bakit? Dapat di mo na ko inantay. Mukhang pagod ka na e. Pagod na rin naman ako.” Naririnig kong sabi niya mula sa walk-in closet namin.

“Kailangan nating mag-usap, Gab.” Seryosong sabi ko. Hindi siya sumagot. Pero seryoso na ang mukha niya paglabas niya ng walk-in closet namin.

“Bakit? Anong kailangan nating pag-usapan, hon?” Umupo siya sa tabi ko.

“May problema tayo, Gab. Our marriage is falling apart.” Diretsong sabi ko.

Tinitigan niya ko for ilang seconds tapos ngumiti siya.

“Ano bang sinasabi mo, hon? Wala naman tayong problema e. Naku. Pagod lang yan. ‘lika na. Tulog na tayo.” Tapos hinawakan niya yung braso ko na parang hinihila ako pahiga ng kama. I shoved it off.

“No, Gab. Can’t you see? We’re falling apart! We don’t act like husband and wife anymore! When was the last time na sabay tayong nagdinner? Okaya lunch or breakfast man lang? Kelan yung huling beses na lumabas tayo bilang isang pamilya? E nagtatampo na nga si Gabbie dahil lagi tayong walang time para sakaniya e. Ni hindi na nga tayo nagsesex e. O kahit man lang kiss or hug o kahit man lang holding hands!” Hindi ko na napansin na nakatayo na pala ako at…

“Hindi ko na nga matandaan yung huling beses na sinabihan mo kong mahal mo ko e.” umiiyak.

Tumayo rin si Gab at lumapit sakin. Hinawakan niya ko na parang aakmang yayakap pero pinigilan ko siya.

“Baby, I—“ I shook my head and cut off what he was about to say.

“Gab, hindi na ko sigurado kung mahal pa kita.” Hindi siya sumagot. We just stood there in silence.

Ilang minute din kaming ganun hanggang nahanap ko yung boses ko para makapagsalita.

“S-siguro… Mas makakabuti kung… maghiwalay na lang tayo.” There. I said it. Pero kahit ako mismo nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Is this really the end of the forever we have sworn together?

“Isang buwan.” Biglang nagsalita si Gab. Napatingin ako sakaniya.

“Bigyan mo ko ng isang buwan for me to change your mind. If after that, you’re still asking for this, then I’ll give you your freedom.”

A Step To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon