Epilogue

19.7K 752 196
                                    

[Epilogue]

There are no perfect relationships.

Hindi porket humarap na sa dambana at nagpalitan na ng salitang "I do" e happy ending na. Its not even an ending but rather a beginning to an even more challenging love story. Its a beginning to a story na hindi lang puro love ang topic kundi pati na rin ang responsibility, career, and family.

at kung minsan, sa sobrang sabog ng mga topic sa kwentong ito, dumarating sa point na nagkakasawaan, napapagod, nanlalamig at nawawalan ng spark.

Kahit mukhang almost perfect na ang love story namin ni Gab, dumating din kami sa point na yun. Sa point na unti unting nawala ung spark na minsan nagliyab sa pagitan naming dalawa. Dumating sa point that we almost ended and failed to grasp our forever.

Pero sa kabila ng lahat, we managed to overcome the challenge and started a new fire. Dahil sa panahong mawala na pala ang spark, there's one thing that can save any relationship: love.

Dahil ang spark nauupos, nawawala, kumukupas. Pero ang pag-ibig, pag totoo, hindi nauupos, nawawala, o kumukupas.

Kelan ba masasabing happy ending na ang isang storya?

Kapag namatay na lahat ng kontrabida sa storya? Kapag nagpalitan na ng "i love you" yung mga bida? Kapag naresolve na ang lahat ng problema at masaya na ang lahat? O kapag ikinasal na yung mga bida?

Hindi ko masasabing dito na nagtatapos ang aming storya. Hindi ko masasabing happy ending na talaga. Maaaring bukas may bago na namang pagaawayan, may bagong dahilan para maghiwalay.

Hindi naman kasi fairytale ang storyang to kundi totoong buhay.

Gayunpaman, isang bagay ang nasisiguro ko. Hinding hindi ko isusuko ang pagmamahalan namin ni Gab para sa isang spark na lumilipas.

This may not be the ending but Gab and I are going to get that forever. One step at a time.

“Hon! Gabbie! Halina kayo dito. Tapos na yung niluto ko.” Sigaw ni Gab mula sa kitchen. Agad namang tumakbo papuntang kitchen yung anak ko.

Sumunod naman ako pero habang papalapit ako ng papalapit sa kitchen, may naaamoy akong mabahong amoy. Parang panis na di mo maintindihan. Nakakasuka.

“Hon, ano ba yang niluto mo? Ba’t ganyan yung amoy? Nakakasuka!” Kumunot yung noo parehas ni Gab at Gabbie.

“Hindi naman mabaho yung amoy a, Mommy?” Nagtatakang sabi ng anak ko. Tinakpan ko naman yung ilong ko kasi nakakasuka talaga yung amoy.

“Oo nga naman, hon. Fried Chicken lang kaya’to.” Sabi naman ni Gab. Pero walangjo, tinapat pa sa ilong ko yung platong naglalaman nung “niluto” daw niya. Hindi ko na tuloy napigilan at nagtatatakbo na ko sa CR para sumuka.

Sinundan naman ako nung mag-ama ko.

Hinimas pa ni Gab yung likod ko.

At nang matapos…

“Grabe parang lumabas yung kaluluwa ko.” Napansin kong nakatitig sakin si Gab at malapad ang ngiti niya.

“O? Ba’t ganyan ka makatingin?” Lalo pang lumapad yung ngiti niya.

“Niobe, buntis ka ba?”

A Step To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon