Chapter Five

16.8K 534 38
                                    

[Chapter Five]

Halos baliw baliw na ko sa kaiisip kung san ko hahanapin si Gab.

Grabe. Anong klaseng asawa ako? Ilang araw na palang nawawala ang asawa ko, hindi ko pa alam. Nakakainis ako. =( Mukhang masyado akong nagfocus sa sarili kong emotions na puro mali ni Gab sa relationship namin ang nakita ko. Samantalang yung sarili kong mali sa relationship namin, hindi ko napansin. Hindi lang si Gab ang nagkulang, ako din.

At nalimutan kong it takes two people and love to build a strong relationship.

 

Umalis agad ako ng office nang malaman ko sa secretary ni Gab na nawawala siya. Umuwi ako sa bahay to find clues sa maaaring kinaroroonan ni Gab. Para pag punta ko sa mga police, kahit pano may lead na kong masasabi.

I searched through his things. Sa closet, sa mga bag niya… pero sa office niya sa bahay namin ko natagpuan ang isang note. Isang importanteng note.

Niobe,

I’m not lost. I just want you to find me. =)

 

Ansabe?! Makikipaglaro lang ng taguan kailangan pang manakot.

Pambihira talaga ‘tong si Gab o. E ano pa nga bang magagawa ko…

Kundi ang hanapin ang other half ko?

 

“Manong, alis po tayo.” Sabi ko sa driver ko pagkapasok ko sa loob ng car.

“San po tayo, Ma’am?” tanong naman niya na nakatingin sa rear-view mirror.

“Kahit san. Basta paandarin mo lang yung kotse.” Labo ko noh? E hindi ko naman talaga alam kung san hahanapin si Gab. Basta. Malay ko, bigla akong magka-idea habang naglalakbay kami.

Or malay natin, destiny na mismo magdala sakin kung asan ang other half ko. =)

Ngumiti lang si Manong tapos pinaandar na niya ang kotse and my mind started to wander. Naisip ko lang kasi, pano kung totoong nawala si Gab. San ko siya hahanapin? Paano ko siya hahanapin? Baka mabaliw ako. Parang… Parang hindi ko kayang wala si Gab sa buhay ko.

Siguro nga, marami kaming pagkukulang ni Gab sa isa’t isa. Pero masyado akong nagpadala sa emotions ko. Muntik ko nang wakasan ang isang bagay na hindi pa naman talaga naghihingalo at pwedeng pwede pang ayusin. Muntik-muntikan na kong sumuko without even trying.

Nagulat ako nang biglang huminto ang kotse.

“Bakit po, Manong? Anong problema?” Nakakunot noo kong tanong.

“Ah, Ma’am, nasiraan po tayo.” Kalmadong sabi ni Manong.

“Kung gusto niyo ho, Ma’am, sakay na lang kayo ng taxi. Kailangan ko pa pong dalhin ‘to sa talyer e.” Dugtong ni Manong. Umiling naman ako.

“Di ho. Sige lang. Sasama ako sa talyer.” Nakangiti kong sabi kay Manong.

A Step To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon