Chapter Four

15.8K 456 29
                                    

[Chapter Four]

Kinabukasan, wala na si Gab sa tabi ko nang magising ako.

Haaay… Normal scenario naman na na hindi kami nagkikita sa umaga. Sa gabi naman, nagpapang-abot nga kami kaso either parehong busy sa mga take home work or pareho nang pagod para magcatch up pa sa isa’t isa.

Umupo ako sa gilid ng bed namin para magmuni-muni ng onti.

Actually, tinatamad pa lang kasi akong bumangon but because I have work, kailangan kong imotivate ang sarili ko na bumangon. Haha! But that’s when I saw something on top of our bedside table.

Isang red rose.

Kinuha ko naman ito at nakita ang ilang piraso ng papel sa ilalim ng bulaklak.

Siyempre, kinuha ko din yung mga papel at binasa yung nakasulat dun.

Diabetic ka ba?

 

Napakunot ang noo ko dun sa nakasulat na pinaka-unang paper. Alam naman ni Gab na hindi ako diabetic, ba’t pa niya tinatanong? Pati… di ko gets kung ba’t niya tinatanong. So anyway, tinignan ko yung nakasulat sa kasunod na papel.

Ah… Hindi.

 

 

At sa sumunod na papel.

Haaaay. Buti naman.

 

 

At sa sumunod ulit na papel.

Kasi I’m planning to be the sweetest for you e. :”>

 

HAHAHAHA! Ok. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari kagabi but I can’t help but smile. Mga kalokohan ni Gab e. But still… it doesn’t change anything. I’m still unsure about our relationship.

Ginawa ko lang yung usual na ginagawa ko for this day. Which, in plain language, I did work, work, work, and nothing but work.

That is… until lunch time.

Saglit kong inalis yung mga mata ko sa harap ng laptop ko para silipin yung phone ko.

May nagtext kasi.

1 New Message

My Other Half

 

Mga one second lang yun at binalik ko din agad yung mata ko sa screen ng laptop ko.

Teka…

Tama ba yung nabasa ko?

Nagtext si Gab?

Kinuha ko yung phone ko at tinignan ulit kung sino nagtext.

Aba. Si Gab nga. Edi inopen ko naman yung message para mabasa.

From: My Other Half

Message: Open the door to your office.

 

Napakunot ang noo ko. Tss. Minsan na nga lang magtext, weird pa yung sinasabi sa text message. Tch. Mukhang wala pa ring pinagbago. Pero sabagay, first day palang naman sa 1 month na palugid niya e.

Then, I stood up and found my way to the door. Yep. Sinunod ko ang sinabi ni Gab sa text.

And when I opened the door…

“1 lunch meal combo for Mrs. Borromeo.” Napataas ang kilay ko. Ngiting ngiti naman siya. Yes, I found Gab standing outside my office. At talagang nakapang delivery boy costume pa siya.

“Anong kalokohan ‘to Mr. Gab Borromeo?” Natatawa kong tanong sakaniya. Ampoging delivery boy naman nito. =)

Tapos ngumiti siya at unti-unting inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

Hanggang sa half an inch na lang ang distance ng mga mukha namin.

“I told you. I was planning to be the sweetest for you.” Tapos lumayo siya sakin, kumindat at nagtuloy-tuloy sa loob ng office ko.

Napailing na lang ako.

But I have to admit, kinilig ako. =)

This went on for days and, eventually, for weeks. Araw-araw, iba-ibang pakulo. Linggo-linggo, iba-ibang themes ng pakulo. First week, pinuno ako ng bulaklak ni Gab. Second week, puro naman balloons. Third week, lollipops na nakapormang bouquet of roses.

Iba-iba rin ang focus niya sa bawat weeks. Nung first week, nakafocus siya sakin. Sa needs and wants ko. Inalagaan niya ko. He spoiled me. Pagpasok ng second week, it was about us. Hmm… Paanong about us? Well, let’s say he once kidnapped me para makapagdate kami. =) On the third week, it was about our family. Sinusundo niya si Gabbie sa school tapos ako naman sa office tapos kung san san niya kami pinapasyal. Naggrocery kami as a family, nagshopping, nagbonding.

And yes, it was just like before.

Malapit na ngang magbago isip ko e. Parang… nagkaron lang ako bigla ng pag-asa na pwede pang maisalba yung relationship naming naghihingalo na.

But then, on the fourth week…

Bigla na lang hindi nagparamdam si Gab. Bigla na lang siyang huminto sa mga pakulo niya. Biglang hindi na naman siya sweet. Biglang hindi na naman kami nagpapang-abot sa umaga pati na rin sa gabi. Hindi ko nga alam kung umuuwi pa yun samin e.

And then, on the day bago matapos yung 1 month na palugid ko sakaniya, nakareceive ako ng text mula sa secretary niya.

From: Lilian

Message: Ma’am, nawawala po si Sir Gab. Ilang araw na po siyang hindi pumapasok. Hindi rin siya sumasagot sa mga text at tawag namin. Namomroblema napo dito sa office. Alam niyo po ba kung asan siya?

 

 

What?

Nawawala si Gab?

A Step To ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon