:Pamilya
—
Shaina
"Hoy Shai! Nandito na boypren mo gumising ka na! Ang gwapo pa naman baka masira dahil sa'yo!"
Ang ingay. Katok ng katok. At ang chaka rin. Ano daw? Gwapo baka masira dahil sa'kin? Tsaka sino yung boypren ko? Sino nga ba? Hindi ko maalalang may boypren pala ako...
Ay oo nga pala!
"Oo nandyan na!" Dali daling bumalikwas ako sa higaan. Tumayo na ako at nagmadaling maligo at nagbihis.
Tumingin ako sa salamin. Maganda na ba ako? Pwede na. Mamaya na baka mag-antay ang pinakagwapo mong boyfriend, Shai!
Tinignan ko ang orasan at alas tres y medya na ng umaga. Ang layo pala ng babyahiin namin at ang aga naman pala naming aalis.
Sinuot ko na ang bag pack kong parang sasabog na sa laki pero natural lang na size nya yun. Bitbit ang isa pang bag sa kamay na napakalaki. May isa pa, yung sling bag ko. At may isa pa sa isa ko pang kamay pero hindi na gaanong malaki. Malapit ko na pa lang makalimutan ang cellphone ko!
Binuksan ko ang pinto at bumaba. Nakita ko si Dwayne na nakaupo sa sofa, naglalaro ng mga susi nyang hawak. Nang makita ako ay agad nya akong pinuntahan sa hagdan at tinulungan ako.
Kinuha nya lang naman ang bag pack ko, yung hawak hawak ko kanina na dalawang bag. Ako? Sling bag lang. Easy easy life.
"Salamat." Sabi ko.
Tumigil sya sa paglalakad pababa at humakbang pataas. Nagulat na lamang ako nang halikan nya ako sa labi. Smack lang.
"Good morning." Sambit nya.
Abnoy na ata ang puso ko! Baka atakihin ako ng maaga nito dahil sa pinanggagawa nya eh!
Ngumiti sya at bumalik na sa paghahakabang pababa. Parang hindi man lang sya nabigatan. Mas lalo pa lamang syang gumwapo. Parang model sa Cosmopolitan, parang nag-aadvertise ng mga brand sa bag. Gwapo eh, tsk.
"Ay nako gwapo ilagay mo muna 'yan dyan. Shai! Halikana rito, saluhan mo na si boy pogi." Tinignan ko si kapre at umiling na ngumiti ito. Tawagin ba syang boy pogi? Aba ngayon ko lang ata nakita si tita na ganito.
Pumunta na ako doon at tumabi sa kanya. Kumuha na ako ng pagkain. Napatingin na lamang ako sa kamay nyang nilalagyan ang plato ko ng kanin. Ay iba. Mainggit kayo! Haha! Joke lang.
Dinamihan pa nya talaga ah. Mukhang alam na nya ang paborito ko. Extra rice!
Bigla nyang inilagay ang mukha nya sa tenga ko. Tumaas lahat ng balahibo ko! "Don't be jealous. Don't worry, nagsasabi lang naman sya ng totoo." Tapos nilayo nya ang mukha nya sabay subo ng pagkain.
Tumingin ako sa kanya na 'di makapaniwala sa sinabi. Hindi naman ako nagseselos ah!
"Hindi kaya. Tsaka anong totoo dun?" HAHAHAHA! Kunwari hindi ko alam. Hehe. Sa gilid ng mata ko nakita ko syang tumingin sa'kin habang unti unting nginunguya ang pagkain. Patay malisya lang ako.
"Lagot ka sa'kin mamaya." Sabi nya pagkatapos ay itinuon nya muli sa pagkain ang atensyon.
"Oh, bahala ka na sa pamangkin ko ah. H'wag mong pababayaan. 'Wag mo rin sanang bigyan ng baby. May plano pa akong ipagtrabaho sya." Umupo sya at gumamit na ng kubyertos.
"Tita!" Sita ko. Natawa tuloy si kapre!
"It's okay. But I want it to happen when we get married. Ayaw ko syang pahirapan. I know she has her dreams. Baka maging hadlang sa kanya." Sumali rin ang isa. Nakakabuwiset na ito ah!