:Tayo
—
Dwayne
"Okay, as we start let's congratulate first our future CEO and handler of Empire Advertising, Dwayne Lean Lourd Rodriguez." Sabi ni dad sa buong board. Nagpalakpakan sila. Nasagi ang mga mata ko kay Eunice. Kumunot ang noo ko. "We planned for their engagement party. Sa wakas ay magco-collide na ang Empire at LO. For the help of the Lopez." Nagpalakpakan ulit sila. Ang sakit sakit sa pandinig ang mga sinasabi nya. Parang ngayon pa lang ay sasabog na ang ulo ko.
Napapikit ako ng mariin habang nakatukod ang dalawang pinagsiklop na kamay sa baba ko.
Ipagpipilitan talaga nila akong gawin ito kahit na hindi naman talaga kailangan magpakasal kay Eunice. I can handle Empire, without their shares. I've been learning the works of dad. Kaya lang naman ako tumanggi noon dahil alam kong mangyayari ito, ang ikasal sa hindi ko mahal para sa pera. Gusto lang nila palaguin ang pera.
"Dwayne?" Napamulat ako at tumuwid sa pagkakaupo. Tinaas ko ang dalawa kong kilay, tila walang gana sa pag-uusapan.
Nagstart ang meeting. Gusto ko nang pumunta sa cottage at makasama si Shaina. But I'm here, wearing my black tuxedo together with my necktie and slacks. A businessman na ipapakasal sa babaeng hindi ko man lang kilala ng lubusan.
Buong meeting tulala ako at malalim ang iniisip. They always caught me staring straight at tila walang pakialam sa pinag-uusapan. What for? For the advertising? For the wedding? Sawa na akong makinig sa mga kalokohan nila.
The meeting finally ended. Tumayo ako. Ang ilan ay nakipagkamayan sa'kin, halos lahat na nga bago sila makalabas.
Nang makalabas na silang lahat, umupo ako pabalik sa swivel chair, kaharap ni Eunice.
"Ano ito, dad? Akala ko ba may tatlong buwan pa ako? Wala naman sa usapan natin na sirain mo dahil sa istupidong magpaplano para sa gagong kasal namin? Mukhang nagiging madaya na kayo, matandang madaya..." Nakita ko sa peripheral vision ko na bumuntong hininga sya. Nasa pinskadulo sya ng kinauupuan.
"This is just one day, Dwayne. Don't be too hard." Sagot nya.
"Oo nga Dwayne, ngayon lang naman—"
"Shut up," putol ko kay Eunice. Natahimik sya. Titigan ko pa lang sya sa mata nasusuka na ako.
"You're being rude to your future wife." Tinignan ko si dad na nakangisi. A devil's smile.
"Nagsisimula pa lang ako. Paano na kung magpakasal na kami? Baka tadtad na sya ng masasakit kong salita." Binalingan ko si Eunice na ngayon ay nahihiyang tumingin sa'kin.
"Tumigil ka Dwayne. Binabastos mo kami." Sabi ni dad.
"Aba, sino ba kayo sa akala nyo para respetuhin ko kayo? My fucking dad?" Tinignan ko si dad at binalingan di Eunice na hindi makatingin sa'kin. "My fucking future whore wife? Oh, I'm sorry, I didn't mean to say that dahil talagang nirerespeto ko talaga kayo." Diniinan ko ang dalawang salita.
"Isa na lang, Dwayne." Pagbabanta ng matanda.
Tumayo ako at inayos ang tuxedo sabay na rin ng ribbon sa leeg ko. Naglakad ako papuntang pintuan pero bago pa ako maka-abot ay umikot ako sa kanila habang nakaturo ang index finger ko. "One last thing, I hate anyone pushing me to get their interests. I'm going." Tumalikod na ako at tuluyang lumabas sa nakakasakal na kwarto.
"Fucking persons." Bulong ko sa sarili habang kinukuha ang cellphone para i-text si Shaina.
To: My Queen