Chapter 18

2 0 0
                                    

:Trying

Shaina

Hingal ako ng hingal dito pagka-abot sa boutique. Binuksan ko ang glass door at agad na nakuha ang atensyon ng mga beking nakaupo sa mga upuan. Mga apat silang nakaupo doon.

"Mr. Rodriguez's suite." Hingal kong sabi.

"Okay..." Tumayo yung matangkad na beki at kinuha yung sa tapat ng lamesa at nilahad sa'kin ang rectangular na box.

"Thank you." Lumabas na ako at tumakbo ulit. Hay nakooo! Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung ano na ang oras.

Nako jusko ten five na!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Ayaw kog magbago ang isip nya! Opportunity ko na ito para makuha ulit ang MS!

Tumigil ako, hinihingal. Ang layo pa ng MS dito!

'Di bale! Kaya pa! Aja!

Tumakbo pa ako ng tumakbo. Hindi ko na nga namalayang nasa tapat na pala ako ng Empire.

Tumawid na ako pero hindi pa lang ako nakakailang hakbang ay natalisod na ako at natapon ang box na dala ko. Tumama ang pwet ko sa kalsada. Nakatingin na lamang ako sa box na bukas na dahil sa hangin at pagkahulog.

Umatras ako nang may dumaang sasakyan at nasagasaan ang box na natapon. Gulat na gulat ako.

Pinulot ko kaagad ang box at tumawid. Tumigil ako at agarang binuksan iyon.

Napapikit ako ng mariin at tumingala. Madumi na ito at napunit pa ang kwelyo.

Para na akong maiiyak na ano. Napa-facepalm na lamang ako. Ang malas ko naman ngayon araw!

Bahala na! Magpapaliwanag na lang ako. Umakyat na ako sa floor. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito pero good luck na lang sa'kin!

Tumakbo at pumunta ako sa cubicle ko at inayos yung mga folders. Tiningala ko ang orasan habang abala ang mga kamay ko sa pag-aayos. Tinuon ko kaagad ng pansin ang mga ito. Five minutes na lang bago ang meeting!

"Sige na naman..." Konti na lang at...

"Yes!" Sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayang napatayo na pala ako at angat angat na ang pinakahuling folder.

Dahan dahan kong ibinaba ang folder. Lahat ng atensyon nila ay na sa'kin na. Ngumisi ako na parang aso.
Kinuha ko na kaagad ang tuxedo sa box sabay ang mga sandamak mak na folder. Dumeretso agad ako sa opisina nya. Hindi na ako kumatok. Pagpasok ko ay nakatayo at nakatingin sya sa labas ng malaking glass wall. Nakapamulsa ang dalawang kamay. Nang namataaan nya ako, agad syang lumingon.

"Three minutes before my meeting. Tapos na ba?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"'Eto na nga boss oh." Lumapit sya sa'kin at tinignan lang ang mga dala dala ko.

"Ilagay mo ang mga folders sa mesa ko." Utos nya. Ginawa ko naman 'yon, pagkatapos ay bumalik sa harapan nya at nilahad ang tuxedo. Ano ba naman iyan, baka hindi nya ito magustuhan. Syempre! Hindi talaga! Napaka-arte ng mokong na ito! "Isuot mo sa akin."

"Aba naman—"

"I'm your boss." Sabi nya.

"But I'm not your servant." Pagtatanggol ko. Whooh! Ang lalim ng english ko 'te!

Umigting ang kanyang panga. "Akala ko ba nagkakaintidihan na tayong dalawa? Sumunod ka sa'kin, o wasak ang kompanya mo?" Alam kong gagamitin nya iyon sa akin. Hindi ko rin sya masisisi.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now