Chapter 8

5 0 0
                                    

:Siguro

Shaina

"Kapre," kanina pa ako nakapikit pero hindi naman ako makatulog. Mukhang maglilimang oras na ata ang nakalipas.

"Hm?" Medyo madilim na ang paligid dahil off na lahat ng ilaw at tanging ang lampshade na lamang sa gilid ng ulunan ko ang gumagana.

"Hindi kasi ako makatulog. Bakit hindi ka pa natutulog?" Umupo ako sa pagkakahiga.

Medyo puyat na ang mga mata nya. Bakit hindi sya matulog? Para syang gwapo na aswang. Pula na ang mga mata nya.

"What do you do usually before you sleep?" Tanong nya.

Ano nga ba? "Ay alam ko na." Nag-ikot ako ng tingin baka sakaling may unan pero isa lang ito, para sa ulunan ko lang.

"Hindi kasi ako nakakatulog kung wala akong mayakap na unan." Sabi ko sa kanya.

Bigla na lamang syang humiga sa gilid ko. Ako naman, shock parin sa ginawa nya. Nakaupo parin ako at tinititigan ang mukha nya na parang lasing lang.

"Humiga ka." Binaba nya yung isa nyang kamay at ang isa naman ay tinapik ito, senyas na gawin ko raw yung unan.

"Sigurado ka kapre?" Ayiee, pakipot pa fishte.

"Tss." Bigla na lang nya akong hinila at napahiga ako ng diretso sa braso nya. Ano ito? ‘hindi-malambot-na-unan’?

Pinusisyon nya ang katawan nya na kaharap ako. Pareho kaming nakaharap sa isa't isa at niyakap nya ako.

Naiinitan ako.

TULONG MGA LANGIT!

Pero hindi ko naman mapagkakaila na komportable ako. Sinandal ko ang noo ko sa dibdib nya. Wala syang T-shirt. Hindi ba sya giniginaw? Baka sumakit yung tyan nya.

"Sleep now." Sambit nya.

Agad na akong tinamaan ng antok at agad naman akong nakatulog.

**

Gumising ako. Nakayakap parin sya sa'kin ng mahigpit. Himalang hindi man lang ako tulog mantika o hindi ko man lang sya na-knock out sa mga tadyak at sipa ko. Himala ring hindi ako malikot. Ganito ba ang epekto kapag sya ang naging unan ko?

Ang ganda ng gising ko! Hekhek.

"Kapre," tawag ko sa kanya. Mukhang tulog na tulog pa ata sya. Pero trip ko lang manggising.

"Hmmm..." Hekhek.

Hinawakan ko yung braso nyang nakayakap sa'kin at para sana makawala ako pero mas lalo nya pa itong hinigpitan.

"No. Matutulog pa tayo. Just let me..." Gumalaw sya para maayos ang pagkakayakap sa'kin.

"Eh kapre... Gutom na ako." Sambit ko.

"Please, just stay for a while. I want to hug you." Natahimik ako. Bigla na lang sumigla yung puso ko na para bang tatalon ako.

Napag-isipan naming maglakad na lamang patungo sa sinasabi nyang resort. Medyo maganda rin kapag naglalakad kami eh.

Nilagay na namin ang mga gamit sa cottage na binayaran nya. Ang bakit ba kasi ang yaman ng boyfriend ko? Tapos ako, dakilang sumasalo sa libre, tsk.

"Maliligo ako, kapre." Sabi ko sa kanya. May bigla akong nahagip na nagbebenta ng mga salbabida atsaka ko yun tinuro. Napalingon naman sya sa tinuro ko.

"What? You like the ocean?" Medyo slow rin sya, ano?

"Hindi! Yung ano yung swan floater!" Yes! Nasabi ko na rin.

The Warner's FightWhere stories live. Discover now