Pangakong Laging Napapako

17 0 0
                                    

Chapter One

"Annnoooo?????" Ani ni Rebecca, " Ganon na lang...wala man lang pasabi o sulat man lang o pera para sa gatas ng iniwanan niyang responsibilidad sa akin? "

Tumulo ang pinipigilang luha sa mata ni Becca, o Rebecca Ramos ang tunay nyang pangalan. Edad, disi nuebe pa lamang pero malawak na ang karanasan na kanyang nadanas ng dahil lang sa pag- ibig.

Napakainosente ng batang si Becca, walang kamuwang muwang sa pait na madudulot ng pag-ibig, tanging alam niya, ito ay tama, ang magtiwala at magmahal ng wagas at tunay. Ngunit sa kasamaang palad, baliktad ang dala ng pag-ibig na akala niya ay makapagpapaligaya sa kanya.

Heto ang kanyang kuwento:

Kilalanin natin si Becca, isang probinsyanang galing sa buena pamilya. Ikatlong anak nina Mario, isang doktor at Lydia, isang dentista  na nakatira sa malayong bayan  ng Lucban, Quezon, ang Kuya Mariano ni Becca ay nag-aaral ng pagdodoktor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang Ate Liza naman niya ay isa nang guro sa Maryland sa Estados Unidos. Bilang pinakabunso sa pamilya at pinakabata, lahat ng luho ni Becca ay nabibigay ng pamilya niya. Magagarang damit at sapatos ang laging laman ng balikbayan box na galing sa Ate Liza kada dalawang buwan. Sa madaling salita, kahit anong naisin  ni Becca, nakukuha niya.

Masaya naman ang buhay estuyante ni Becca noong nasa Lucban pa siya. Lagi niyang kasakasama ang matalik niyang kaibigan na si Mayie, kaklase niya mula noong elementary pa lamang sila.

Tuwing hapon, nagkakasya na lang sila sa konting baon nila, patambay tambay sa plaza habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng bananacue. 

"Becca, tingnan mo yung nakapula, di ba third year yon?" Sabi ni Mayie.

"Alin doon yung matangkad na naka baseball cap?" Sagot ni Becca.

"Yun na yun, tingnan mo ooohhh, dali, nakatingin dito....smile ka, kaway ka...ayun o" Pakilig na sabi ni Mayie.

"Ano ka ba Mayie, baka akala nun cheap tayo...behave ka nga, ang landi naman ng dating mo." sambit ni Becca sa kaibigang di na mapakali dahil sa sobrang kakiligan.

 "Ang cute talaga, sana ako na lang ang type, pero problema, sa'yo nakatingin Mayie... ayan papalapit ata dito, naku, hihimatayin ata ako, ano ba yan?... Beccccaaaa!!!!"  Pabulongna sabi ni Mayie sa kaibigan.

"Ano ba Mayie, tayo na nga, alis na tayo. Hinahanap na ako sa amin. Ayokong masermonan"  Patalikod na sabi ni Becca sabay pabilis na lakad palayo sa tinatambayan nila.

Ni hindi na siya lumingon kahit parang may naririnig siyang tumawag ng "Miss" sa may likuran. Wala siyang pakialam. Wala siyang panahon para sa 'love-love' or 'crush-crush' na yan. Kailangan mapantayan niya ang Ate Liza at Kuya Mar niya para di siya kahiya-hiya sa mga magulang nila.

Patakbong umuwi ng bahay nila si Becca, Nadaanan niya ang mga taong tila masyadong abala sa pag hahanda sa nalalapit na "Pahiyas Festival" ng kanilang bayan na idinaraos kada ika 15 ng Mayo kada taon para sa santong patron nito, San Isidro, ang manggagawa at magsasaka. 

Agad siyang nakarating sa kanilang bahay. Sa gate pa lang, maririnig na ang sigaw niya.

"Mama, andito na po ako.....helllooo! saan po kayo? Sambit ng napakasayang si Becca.

Sino ang nagsasabing kailangan niya ng lovelife. Hindi nuhhh! Kumpleto na ang buhay niya. I dont

need anyone. I just need me and my family. paulit ulit na sabi niya sa sarili niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangakong laging NapapakoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon