HGFH //:3

38 1 0
                                    

3.

*First Day Trouble* (Part2)

-Lorence 'Rence' Bestu Point of View-

Bakit ba kasi ako dito napasok?

< flashback > d-d

Tinatawag ako ni Dad dahil may sasabihin daw sya kaya naman dalidali akong nagpunta sa work room nya/bedroom. (Dun na ata kasi sya natutulog at hindi na nalabas ng room na yun.)

Nakatayo na ko sa harap ng lamesa nya at may inabot sya sa aking fliers.

Tinignana ko naman ito. "Hell and Heaven Academy?"--pagbabasa ko sa nakasulat ng napakalaki dun sa unahan.

"Sa school na yan ka papasok."-bigla akong napatingin kay Dad. Sya talaga pumili? Hindi man lang ako tinanong? Tsk! Ano bang bago, lagi naman eh.

Kainis! May hinagis pa syang papel sa lamesa nya na sya namang kunuha ko.

Tinignan ko rin yung papel. Address ata 'to? "Ano 'to dad?"--tinignan ko sya.

"Bording house. Yan ang address na tutuluyan mo habang nag-aaral ka sa school na yan."

Eh? Hindi nga? As in? Anak ng teteng oh!

"What!!? Per--"

"No buts Lorence! Just follow!!"--sigaw ni Dad.

"Dad naman!!"--pagmamaktol ko naman. Ayokong tumira kung saan. Gusto ko rito sa bahay uuwi.

"Wag mo akong artehan Lorence na parang babae!!! Umalis ka sa bahay na to!!! Wag kang babalik hanggat wala kang napapatunayan. Bahala ka sa sarili mo!! Wala na akong pakialam sayo!!!"--sigaw nya.

Wala na nga akong nagawa at patabog ko nalang na isinara ang pinto pagkalabas ko. Sana man lang sa paggawa ko nun marealized nya na may sarili akong isip at hindi nya na ako kailangan sabihan pa ng mga dapat kong gawin.

Tsk. Kainis talaga. Umuwi nga ako para makasama ang mga ate ko eh, tapos sa iba pala akong bahay titira. Bakit ganun si Dad?! Ayaw nya akong mapalapit kina ate? Sa kanya? Tsk!

Siguro ito ang parusang naisip ni Dad sa pagtakas ko sa mga body guard ko sa State at pag-uwi dito sa Pilipinas ng walang paalam.

*Sigh*

< end of flashback >

"Room 3, second year section 1."--pagbabasa ko sa nakasulat sa papel.

Section 1 ako? Tsk! May kinalaman na naman dito si Dad, hindi naman ako matalino eh. Pero section 1 ako?

Tama kayo ng nabasa, hindi ako matalino. Yung mga kapatid kong babae yun matatalino yun! Siguro dahil sa pangLIMA na akong anak at bunso ako, ay naubos na ang genes at katiting lang ang natira saking talino.

Pero sabi nga nila may natatagong talent ang bawat isa. Mahina man ako sa academics maasahan nyo naman ako sa lahat yata ng sport. Hehehe hindi sa pagmamayabang pero magmamayabang na ako. Na lalaro ko lahat ng sport, ang dame ko na ngang medals at trophy.

Kaso hindi natutuwa si dad. Wala daw yun matutulong sa company na palalakarin ko kapag nakagraduate ng college. Tsk! Hindi man lang nya naapriciate ang talent ko? Hay buhay! (_ __")

"Okey class we have a new student."--narinig kong sabi ng magiging adviser kong guro. Nasa labas ako nun, sa harap ng pinto.

"Okey mr.Bestu come in."--tawag sakin ng guro, kaya naman binuksan ko ang pinto at maangas na pumasok sa loob ng klase.

Nahinto ako sa pinakagitna sa harapan. Nagtaka ako sa mga nakita ko. Bakit ang gulo gulo nila? Yung mga classmate ko wala man lang kareareaksyon, may sari sarili silang mundo.

His GIRLFRIEND is a HE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon