5.
*New Trouble Mission* (Part2)
-Rence Point of View-
Wag na rin kaya akong bumalik sa klase? Tutal kahit naman bumalik ako dun wala rin naman akong matututunan eh. Nakk~ Good impluence sakin si Idol ah. Kaso pagagalitan ako ni Dad kapag nagloko ako. Goal ko pa namang makita sya ulit na proud sakin.
Kaya naman nagbalik na ako sa klase. Then alerto naman ako sa mga pwede nilang gawin sakin. Tahimik lang sila pagpasok ko at hanggang sa makarating ako sa upuan ko ay sobrang tahimik. Shete. Hindi ko gusto ang nakakabinging katahimikan. The moment na pagkaupong pagkaupo ko ay..
"JUMP TO HELL!!!!!!!"--sigaw ng isa sa kanila at ayun. Nagliparan ang kung anu-anong bagay at binato nila sakin. Most of that is paper ball. At ang pinakamasakit na binato sakin ay yung tinamaan ako ng pencil case sa ulo.
Dun. Dun ako napatayo at napasigaw. "PUT@NGINA!!! TUMIGIL KAYO!!"--sigaw ko. Agad na tumigil ang mga nagliliparang bolang papel at kung ano pa. Naupo ako ulit. Shit Rence, kaya mo yan! Control your temper for your Dad.
Remind me someday na kapag tapos na ang pagiging mabuti kong anak ay papatayin ko silang lahat.
Mukha namang natakot sila sa dark aura ko habang nagkaklase kaya hindi na sila gumawa ng kagaguhan sakin hanggang matapos ang klase ng maayos.. kung maayos ang matatawag nyo sa magulo, magulo at magulo.. isa pang magulo.. at kung may hihigit pang word sa magulo yun na ang nangyare sa klase namin.. NAPAKAGULO!!!!!!!!!!
Naglalakad ako ngayon palabas ng school. Ang haba ng araw na ito. Sobrang nakakapagod magpigil ng galit para sa isang katulad ko na maikli lang ang pasensya.
*yawn*
Napahigab ako. Kahit kailan ayoko talaga ng academics. Nagunat unat ako at pinatunog ko ang leeg ko. Nangalay eh. Ang sakit lang.
Grabe wala akong natutunan sa klase ah. Idagdag mo pa yung mokong na lumalande sa akin. Ill!! Kinikilabutan talaga ako pagnaaalala ko yun. Buti hindi na sya pumasok sa afternoon class.
"LOOOOOREEENCEEE! REEENCEE!!!!!"-- napatingin ako sa tumawag sakin at speaking of the pervert eto na po sya. Tatakbo na sana ako kaso naakbayan na nya ko ee.
"Yo!! Uuwi kana?"--tinanggal ko ang pagkakaakbay nya sakin.
"Hindi papasok palang."--/sarcastic/
"Hahaha joker ka rin noh?! Maya ka na umuwi. Itutour pa kita sa school di ba?"--ay oo nga pala itutour nya pala ako sa school mabuti 'to kailangan ko ng magtutour sakin ee. Para naman hindi ako nagmumukhang t@nga na naliligaw sa school.
"Oo nga pala noh. Okey, saan tayo?"--mabuting makipagkaibigan na ako. Mukha namang okey itong si Vince. Yun nga lang, hindi mo maaalis na isa syang manyak.
"Dito tayo!!!"--kung saan saan nya ko dinala. Sa mga club nya ko una dinala sabi ko ee. Kailangan ko kasing may salihang club dahil isa yun sa requirement ng school.
Sobrang daming club. Yung sa sport club. Grabe!! Nabuhayan ako ng dugo. Mayroong tennis, Volleyball, badminton, table tennis,b asketball, track n fiend tapos marami pang iba ang saya siguradong mag-eenjoy ako rito. (*u*
Sa mga educational club naman hindi ako nakikinig sa kanya salita lang sya ng salita. Tss, ang boring science club? Math club? Tss, ayoko nyan para lang yan sa mahihina. Hahaha. Hindi sa totoo lang ayoko nyan kasi sasakit ang ulo ko pag dyan ako sumali. Ano ako sira?! Ayoko ko pang masiraan ng bait noh? Hindi ko sasali dyan.
Nagtataka lang ako kung bakit natingin samin yung mga taong nadadaanan namin siguro dahil bago lang ako rito kaya ganun. Mapalalaki at mapababa ay nakatingin eh. Teka, hindi ba sila nagsawang tignan ako kanina? Badtrip lang. Hanggang kailan pa kaya sila magiging ganyan sakin? Iba talaga pagkagwapo ko.
BINABASA MO ANG
His GIRLFRIEND is a HE [On-Hold]
Non-FictionKwento ito ng isang babae na binago ang lahat para maging isang tunay na lalaki para sa ikasasaya ng ama nya. Pero hindi nya alam hindi nya pala kayang baguhin ang PUSO nya at unti-unti s'yang nahulog at umibig sa isang lalaki.