2.
*First Day Trouble* (Part1)
-Lorence 'Rence' Bestu-
Point of View
"BABY BOOOOOOOOOOY!"--ay takte lang nakakabingi ang boses nya nasigaw eh. Si ate Lory yan, panganay sa aming limang magkakapatid.
"TOTOY!"--isa rin 'to nasigaw. si ate Luz naman yan ang pangalawa kong ate.
Natayo sila sa kinauupuan nila at sinugod ako sa pinto. Kagagaling ko lang sa State eh.
"Ba't hindi ka nagsabing uuwi kana?"--tanong ni ate Luz na nakahawak sa kanang braso ko at si ate Lory naman nakahawak sa kaliwang braso ko.
"Oo nga, edi sana nasundo ka namin sa airport."--nakapout pang sabi ni ate Lory. Pasensya na, mga isip bata itong mga kapatid ko eh. Ako lang ata matured mag-isip. Lol!
Hindi nyo ba ma-gets? Isa akong babae na naging lalaki. Ang gulo noh? AH basta, sisihin nio ung author hehe. (^___________^)
"Sorry, gusto ko kasing surpresahin kayo ee."--nakangiting sabi ko. "Si dad?"--tanong ko naman. Malamang alam nya na pauwi ako bago pa man ako dumating.
"Nasa work room."--sagot ni ate Lory.
"Manang paki ayos po ng mga gamit ko"--sumunod naman si manang at lumabas na para kuhanin yung gamit ko sa kotse.
"Wait lang mga ate ah? Puntahan ko lang si dad."--kumalas ako nun sa pagkakahawak nila. Hindi naman nila ako miss na miss noh? If I know, ang gusto lang nila ay ang mga pasalubong ko. Ganyan yang mga yan eh. Masyado ko kasi silang inispoiled. Baliktad ba? Dapat ako inispoiled dahil ako bunso. Pero dahil mga isip bata nga ang mga ate ko ako na ang nangespoiled.
"Nandyan yung pasalubong ko sa inyo sa bag."--sabi ko at umakyat na ko papunta sa study room.
"WHHHHHAAAAA~ YYYIIKKKEEESS!!"--narinig ko pa silang nagsigawan at ng nilingon ko, pareho silang nag-uunahang salubungin si manang na daladala ang mga bagahe ko.
Ang totoo nyan lihim akong umuwi dito sa Pilipinas. Tinakasan ko lang ang mga body guard na nagbabantay sakin. Dun kasi ako pinag-aaral ng dad ko kaso ayoko dun noh! Bukod sa magkakaroon ka ng homesick ay ang gugulo ng tao dun. (-_____-"
Eeeeeekkkkk!!!!! Tunog ng pinto ng work room.
Nakakatakot noh? Pero nakakatakot ang taong nasa loob nyan. Sana hindi ako itakwil ni Dad. Kasi nung last na paggawa ko ng kalokohan ay nagbunga para ipatapon ako sa State upang doon mag-aral. Saan naman kaya ako ipapatapon ngayon?
Sumilip ako. "Dad?"--nakita ako ni dad mukhang inaasahan nya na nandito ako. Ang bilis nya naman nalaman. Hindi ko tuloy na surprise.
Pumasok ako at nangangatal na naglakad papunta sa harap nya. Aaminin ko sa inyo, takot ako kay Dad. Suwayin mo na ang utos ng iba wag lang ang utos nya. Eeekk~
Nakatayo lang ako sa tapat ng table nya at nakayuko. Nahintatakutan ako ng bigla syang napabuntong hininga ng malalim.
"P-pasensya na P-po."--nauutal ko na sabi.
Sandaling katahimikan pa ang nangyare bago nagsalita si Dad. Ang dilim naman dito sa work room ni Dad, kaya mas lalo akong natatakot dahil parang napasok ako sa kuta ng mga demonyo eh.
"Ilang taon kana?"--tanong ni dad. Nagulat ako at mula sa pagkakayuko e tinignan ko si Dad.
(?-?) "P-po?"--nakatitig lang sakin si Dad ng masama. Eeekkk katakot.
nob*
lunok laway
"S-seventeen poh."--sagot ko naman.
"Alam mo naman siguro na bilang nag-iisang lalaki sa bahay na ito ay ikaw ang papalit sa akin sa kumpanya hindi ba?"--nag-iisang lalaki? Alam ko dalawa kaming lalaki sa pamilya. Wait, wag nyo sabihin..
"Bakit Dad? Bumigay na po ba kayo?! Kung ganun isa kayong gay--"
*Boogggss*
Hinampas nya ang lamesa at napatayo pa sya nyan. Napatalon naman ako sa gulat. Whaaaa~ galit na si Dad.
"Wag mo nga akong pilosopohin Lorence!!!!"--ayan galit na nga talaga. Lorence na tawag sakin eh.
Natango na lang ako. Ang pasaway ko talagang anak. Di bale, pogi naman ako eh.
"Anong balak mo ngayon?"--medyo mahinahong na sya at umupo ulit. Mabuti naman.
"I-ipagpapatuloy ko po a-ang pag-aaral ko dito sa Pilipinas."
Ang totoo wala akong plano. Bulakbol lang anag alam ko eh. Bwahahahahaha. Pero dahil ayokong makain ng buo ni Dad, ayan, may plano kuno ako.
"Umayos ka Lorence, ayokong mapahiya ako ng dahil sayo."--may pagbabanta ang tono ng boses ni Dad kaya naman napaayos ako ng tayo. Naku, bawal na ang loloko-loko sa college.
"O-opo!"--yan lang nasagot ko.
Ito ang mahirap eh, kapag malaki ang expectation sayo ng mga magulang mo. Tawag dyan, PRESSURE!
***
Umaga, nagjojoging ako malapit sa park ng..
*Booooogss!*
"Aray!"--napaupo ako sa lakas ba naman ng pagkakabungguan namin ee.
"Ano ba?! Bakit hindi ka tumitingin sa daan mo?"--sigaw ko habang himas sa pwet. Ang sakit ng pagkakasalampak ng pwet ko eh.
"Sorry mi--"--hindi nya natuloy ung sasabihin nya. I glared at him w/ dark aura ee.
Napalayo pa ako sa kanya ng inilapit nya ang mukha nya sakin at tinitigan ako. What the. "Ay sorry pare pala. Hehe"--ngingisi ngising sabi nya habang nakamot ang kaliwang kamay sa batok at yung kanan nyang kamay ee ino-offer nya sakin.
*PLAAK!*
Tinabig ko yung kamay nya at tumayo ako mag-isa. Hindi kami close noh! At anong tingin nya sakin? Mahina kaya hindi na ako makatayong mag-isa? Gusto ata ng away ng isang 'to. Tamang tama at wala pa akong nabubugbog simula ng isang Linggo kong pagkakauwi mula sa State.
"Sa susunod kung ayaw mo ng away tumingin ka sa dinadaanan mo!"--sabay tabig sa braso nya nakaharang sa daan ko ee.
Iniwan ko sya dun at nagpatuloy na ako ng pagjojoging. Pasalamat sya at bawal nga pala akong gumawa ng kalokohan. Tsk!
***
"Oy, balita ko may newbie ahh."
"Oo nga ang cute nga daw ee"
"He or she?"
"Alam ko she."
"Hindi keya "HE""
Naglalakad ako papunta sa room ko. At sobrang naiirita na ako dahil sa kaingayan nila dahil mukhang ako pa ata ang pinag-uusapan nila.
Hindi rin ako nakaiwas sa mga tingin nila. Takte! Ayoko sa lahat yung tinitignan ako. Hindi nga ako nag-artista para makaiwas sa mga tao eh. Tapos ito na naman sila. Gwapo ko kasi eh. Tsk!
Dito nga pala ako napasok sa 'HELL and HEAVEN ACADAMY'
Ang weird ng paaralang ito dahil all boys school sya na may pagka all girls school din.
Kung baga, iisa lang na school pero magkahiwalay ang mga babae at lalaki. Nasa kabilang building ang mga babae. Kaya kung lalaki ka ay hindi ka magkakaroon ng babaeng kaklase at ganun din naman kapag babae ka, hindi ka magkakaroon ng lalaking kaklase.
Pero kapag break time meron namang place kung saan pwedeng magsama ang mga babae at lalaki. Yun nga lang may mga parts sa school na 'to na exclusive for boys lang at meron din exclusive for girls.
Like yung cafeteria, restroom(dapat lang) at etc.
Bakit ba kasi ako dito napasok?
"His GIRLFRIEND is a HE"
writtenbyLazy_Fingers
***
BINABASA MO ANG
His GIRLFRIEND is a HE [On-Hold]
No FicciónKwento ito ng isang babae na binago ang lahat para maging isang tunay na lalaki para sa ikasasaya ng ama nya. Pero hindi nya alam hindi nya pala kayang baguhin ang PUSO nya at unti-unti s'yang nahulog at umibig sa isang lalaki.