HGFH //:6

37 1 0
                                    

6.

*Protected* 

-Rence Point of View-

Nagising ako sa lakas ng pag-iyak ng kapatid ko. Nak ng teteng, ano bang problema nya at naiyak sya? Agad akong bumaba at nadatnan ko ang tatlo kong kapatid na babae.

"Tumigil ka na Lulu."--narinig kong sabi ni ate Lory kay ate Lulu. Si ate Lulu ay ang sinundan ko. Si ate Lory ay yung panganay sa amin. Pinapaalala ko lang.

"Anong nangyayare? Ang aga aga ang iingay nyo!"--pasensya na. Hindi ako nangungupo sa mga ate ko dahil mga isip bata pa sila kaysa sakin.

"Kita mo? Nagising mo si baby boy sa pagngawa mo dyan."--nasabi ni ate Luz kay ate Lulu(Lucy ang tunay na name nya.)

Tumayo ang dalawa kong ate na sina Ate Lory at Luz at naggood morning kiss sakin. Pero si ate Lulu ay snob ako at iyak pa rin ng iyak.

Tinignan ko sina ate ng 'Ano-bang-nangyare-sa-kanya-look'

"Hay naku, yang si Lucy nagdadrama na naman sa boy--"

"ATE!! Wag mo ng sabihin sa kanya."--pagpigil naman ni ate Lulu kay ate Luz.

"Tsk! Naku, kapag nagkataon gugulpihin ni baby boy yang lalaking yan na nagpapaiyak sayo."--nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi ni ate Lory.

"Ate naman!"--iyak pa rin na sabi ni ate Lulu. Lumapit ako kay ate Lulu at naggood morning kiss na rin at tumabi ako sa kanya.

"Totoo ba yun?"--secured na tanong ko sa kanya. Nagnod naman sya sakin. Tsk! "Sinong lalaki yan? Sabihin mo sakin ang pangalan ng manghiram na sya ng mukha sa aso."

Ayoko sa lahat yung niloloko ang mga kapatid ko ng mga walang kwentang lalaki. Ako ang nag-iisang kapatid nilang lalaki kaya kahit nakakatanda sila sakin ay protektado ko sila. Lalo na sa mga ganitong bagay.

"Aww~ ang sweet talaga ni totoy."--sabi ni ate Luz at niyakap ako. Naman. (=______=" Kailangan ba kapag yumayakap dinidikit talaga yung dibdib nya? Kainis eh. (>____<)

"Pahug din ako kay baby boy!"--at isa pa itong si ate Lory na nakiyakap.

"Tama na nga!"--humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila at hinarap ko itong babaitang lumalandi na. "So ano? Hindi mo sakin sasabihin ang pangalan? Gusto mo pa talaga na pumunta ako sa school mo at isa isahin ang mga--"

"Lil bro!"--pagpipigil nya sakin. Tinignan ko lang sya at pakuwariy naghihintay ng sagot.

"Wag mo ng tanungin ang pangalan. Hindi naman mahalaga eh. Syaka, wala syang kasalanan ako lang 'tong nag-iilusyon na pwede kami sa isa't isa."--sabi nya naman. Niyakap ko naman ang kapatid ko.

"Lil bro, tinanggihan nya ako."--para syang bata na nagsusumbong sakin. "Sasapakin ko ang lalaking yan eh! Bulag ba sya para hindi makita na maganda ka? Tigilan mo na ang isang yun! Ayoko na magkabayaw ng bulag!"--sabi ko pa na syang kinatawa nya. Good. Tumawa rin, ayoko ng umiiyak ni isa sa kanila eh.

"Salamat lil bro."

Matapos yun ay nagready na ako sa school. Second day? Tsk!

---

Nagtatanggal pa ako ng muta ng pumasok ako sa school. Antok pa ako eh. Bakit ba?! Sa school ko kasi dati sa State ang almusal ko ay suntukan. Dun gising ka talaga. Ganda ng exercise dun eh. Bakbakan, suntukan kaso dito sa Pinas bawal akong makipagbasag-ulo. Grounded ako eh. (=________="

Pagbukas ko sa pinto ng room ay..

*PLUSH*

Agad akong nagising ng may baldeng may laman na tubig na nabuhos sakin pagbukas ko ng pinto. Shete ang lamig. Di aircon pa naman kami. Bakit kasi nakalimutan mo Lorence na hindi ikaw ang hari dito? Naman oh. Puro's tawanan ang naririnig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His GIRLFRIEND is a HE [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon