Akala ko huli na,
Huli natong mga luha na papatak sa mga mata ko
Akala ko tapos na,
Tapos na ang mga pagdurusang nadarama ko habang nandito ka sa loob ng puso koPero hindi, ako'y nagkamali
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masaya at malungkot nating napagdaanan, at tila hindi mabura-bura sa aking isipan ang pantasya nating pinagsamahan
Ipinangako ko sa sarili ko noon na kakalimutan na kita
Pero muli, ako'y nagkamaliMga masasakit na salita
Inakala ko'y tama
Pero sa tuwing sumusulat ako, lagi kang dumadaan sa aking isipan
Para akong baliw, laging isinusulat ang iyong pangalan, habang pinakikinggan ang musika ng hangin patungung amihan
Laging hinahalikan ang larawan ng ating nakaraanSabi nga nila, ang tadhana raw ay mapagbiro
Sa tingin ko'y hindi naman sila nagkamali
Tadhana nga talaga, napakakulit
Bakit ngayon pa?Bakit ngayon pa kita muling nakita?
Bakit ngayon pa na kakaubos lang ng aking mga salita?
Bakit ngayon pa na ang aking ballpen ay wala ng tinta?
Mga katanungang hindi masasagot ng isang salitaNakita kita sa gitna ng dalawang desisyon
Desisyon ng pagsuko at kabiguan
Sino ang mas paiiralin ang tusong utak o ang pusong bulag?
Nakita kita sa gitna ng dalawang labanan
Labanan ng kaya ko pa at ayoko ko na
Sino ang mananalo, sino ang matatalo
Sa gitna ng labanan ng langit at empyerno
Sinong puso ang masasabit sa apoy na kung tawagin ay pangitNakita kita sa gitna ng ipaglalaban ko pa, o tatapusin ko na
Ito ba'y katangahan o katapangan
Isip ko'y nalilito sa mga katanungang aking inimbento
Sino ang aking pupuntahan, ang kombento o ang sementeryo
Pero sa ngayon gagawin ko kung ano ang tama, kahit masakit pa, kahit nakakasakal na, kahit ikamatay ko paAyokong sumuko, ayokong isuko ang iyong puso
Pero alam kung masasaktan ka, kung hindi ko isusuko ang ambisyon na aking pinanghahawakan, at ang pusong aking tangan-tangan
Isusuko kita dahil ayokong maging dugo ang mga luha at ang ulan ay maging suka
Baka maging tinik pa ang mga rosas
Ayokong masayang ang iyong ginintoang orasTatapusin ko na ang iyong mga pagdurusa, at tutuparin ang pangakong papaligayahin kita sa pamamagitan ng salitang "iba"
Sabi ko nga kanina kahit masakit pa,kahit nakakasakal na, at kahit ikamatay ko
Gagawin ko ang lahat, para mapaligaya ka
O aking sintaTama na, tumahan ka na sa pag-iyak
Patitigilin ko ang aking puso at paiiralin ang demokrasya sa aking mga tula,
At sa isang kislap, mawawala ang pagpatak ng iyong luha na parang isang bulaAng katotohanan ay hindi kailan man matatakbuhan
Kahit marami pa ang masasaktan
Ganito naman talaga ang buhay
Mahal, sa iyong paglalakbay
Baunin mo ang totoong kabuluhan ng buhay at ang maganda nitong kulaySa gitna ng kadiliman, bibitawan kita at hahayaang magliwanag na parang alitaptap sa kalangitan
Sundin mo ang magandang musika ng kalayaan
Puso'y hayaan matangay ng malakas na hangin patungung kanluran
Muli, mahal paalam
Paalam na aking magandang tula at liham-FZH-