Nandito ako, sumusulat ng ilang mga salita na babagay sa iyong mapupulang dila
Muka mo'y puti pa sa kandila
Mata mo'y nakakatukso,
Pero kung titingnan mo ito ng mabuti
Ang konsepto ng pagkakagawa nito ay ang gulo-guloMga salitang lumalabas sa aking bibig, ay totoo na galing sa aking puso
Pusong pinatigas ng panahon,
Pinatigas ng isang malamig na hangin
Pusong hindi kayang limutin at bitawan ang noon
Pilit kong kinakalimutan at ibinabaon ang mga panahong yunPero mismong ang panahon, hindi gustong kalimutan ang mga nakaraan
Mismong ang panahon inaagaw ang mga oras at pilit ibinabalik ang mga nakaraang dapat ko nang sinagasaan
Mismong ang panahon kinakalaban ang oras at pilit nitong ibinabalik sa aking mga mata ang mga luhang dahan-dahang nahuhulog sa lupa
Mga lupang pilit ibinibigkas ang kanilang damdamin sa lupang kanilang nahuhuluganAng panahon at oras ay sadyang magkakampi na, at sila mismo ay kinakalaban ang aking damdamin
Ayaw nilang pakinggan ang aking saloobin
Ayaw nilang pakinggan ang nais bigkasin ng aking damdamin
Ni isang sigundo hindi nila ako binigyan ng kapayapaan
Nais nila akong bulagin sa katotohonang pilit kong ibinabaun
Ano bang miron sa noon?Hindi ko alam kung paano tatapusin ang tulang ito, o ang ideya ng at konsepto ng mga salita
Hindi ko alam kung matatapos pa ba ito
Maaaring hindi ko ito makabisado
Pero, hindi ko isasara ang aking bibig maubusan man ako sa tinig
At ang inspirasyon ng tulang ito ay ang tinatawag nilang pag-ibigLahat ng mga posibling salita na babagay sa iyong pangalan ay aking gagamitin
Hindi para muli kang mapasaakin
Kundi para maipamuka sa tadhana,oras at panahon na kaya kitang limutin
Na kaya kiyang kalimutan, na kahit masakit kaya kong bulagan ang aking sarali sa katotohananMga mata'y hinding-hindi ipipikit matapus lang ang tulang ito
Matapus lang ang kwentong ito
Tatapusin ko ito mawala man ako sa tunoHindi ako sigurado kung makakasya ba sa isang linya, pahina, o libro ang mga salitang dumadaloy sa boung katawan ko
Pero sa isang bagay lang ako sigurado
Ito na, ang huling luha sa aking mga mata
Habang iniisip kaHuling luha sa aking mga mata
Habang nakatingin sa buwan
Mga bituin na unti-unting nahuhulog na parang ulan
Kasama ang mga pangakong napag-iwanan
Laging itinatanong sa sarili kung ano ang kasalanan
Mga salitang ginagawa nalang katatawananPero sige, magsisimula akong muli
Sa kwento nating dalawa
Noong naging tayo pa
Ako'y muling magsisimula sa unang beses na hinarangan kita sa daanan
At pauli-ulit na itinatanong kung ano ang iyong pangalanAko'y muling magsisimula sa unag beses na naging tayo
Aaminin ko ako'y napaluha na parang nanalo sa loto
Ako'y muling magsisimula sa unang beses na ningitian mo ako
Simula noong naging tayo
Ako'y muling magsisimula sa unang beses na iyong biniyak ang aking puso
Binging tinga, na ang tanging naririnig ko ay ang mga taong tusoPuso't isip ko noo'y parang musikang nawala sa tono
Parang isang hari na inagawan ng trono
Ang pakiramdam na wala kang magawa sa pag-alis ng mahal mo
Wala kang magawa kundi umiyak nalang
Nakatunganga sa ilalim ng puno habang inawagayway ang nabiyak na pusoMagsisimula ako, magsisimula ako
Magsisimula at magsisimula ako
Asahan mong babangon ako sa pagkakalugmok ko ngayun
Sa bahang ito, ako ay aahonKaya naman pagbibigyan kita
Hindi ito kasing simple lang ng pagbilang isa hanggang dalawa
Ako'y seryoso na
Para naman maging patas ang labanan nating dalawa
Labanan ng katotohanan at mga salita
Hindi ko ito gawa-gawaKaya naman pagbigyan mo ako at pagbibigyan din kita
Pakawalan mo ako sa hawlang ito
Pakawalan mo ako sa hawlang kinalalagyan ko
Dahil hindi ko matitiis ang pout at mga hinagpis
Hawla ng iyong peking pagmamahalPakawalan mo ako at pakakawalan din kita
Pakakawalan kita sa bakod ng aking pagmamahal
Hindi kita ikukulong sa bakod na ito
Dahil alam kong hindi kita magiging akin
At hindi mo rin ako magiging sayo
At sa panaginip hindi kathang isip ang salitang tayo
Itigil na natin ito
Mga kalukuhang nandirito sa mundoMagkapatawaran na tayo
Patatawarin kita sa hindi mo pagyakap at sana'y mapatawad mo rin ako sa aking mga panaginip na tila tayong dalawa ay nasa ulap
Patawarin mo ako sa aking paghalik at patatawarin kita sa hindi mo pagpikitMagkapatawaran na tayo
Patawarin mo ako sa kasalanang nagawa ko
At papatawarin din kita sa kasalanang nagawa mo
Para pantay na tayoDahil, ito na ang huling luha sa aking mga mata
Huli na to
Huli na to
Huling beses mo na itong makikita
Kaya pagmasdan mong mabuti
Pagmasdan mo ang huling luha sa aking mga mata-FZH-
( I know its not perfct. I wanna hear ur suggestions) thank you