His Crazy Mistake Book 2.
(Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he didn't. Will the modern Romeo and Juliet be still together? Or will they bleed as things get broken?
***READ His Crazy Mistake first before r...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pinagmamasdan lang ngayon ni Julia ang repleksyon niya sa malaking salamin na nasa harapan niya. Nakaupo lang kasi siya doon habang inaayos at binibihisan siya ng mga stylists na hinire ng asawa niya para mamaya sa announcement-interview nila. Puro mga stylists lang niya kasi ang nandoon sa kwarto - an exclusive dressing room to be exact that is found inside the palace. Ngayon ay pinapakulot na ng mga ito ang buhok niya sa ibabang bahagi.
"Ang ganda niyo talaga, your highness!" Ikay suddenly complimented. Kasama rin niya kasi ito sa loob dahil ayon kay Jordan, Ikaw is also going to be her personal assistant from now on. Willing daw naman si Ikay sa trabaho kaya wala raw problema sa side nito, "Kayo yata ang pinakamagandang reyna sa buong mundo." She even playfully winked at her. Nasa likuran lang niya kasi ito.
Napailing na lang si Julia at ngumiti, "Ikaw talaga, Ikay. Saka... ilang taon ka na ba, Ikay?" She asked her curiously. Pero sa tingin naman niya ay bata pa lang ito. More probably in her early 20's.
"21 po, your majesty. Bakit po? Mukha na po ba akong forty sa itsura ko?" Biro pa nito kaya natawa na lang siya. She really likes Ikay's bubbly attitude.
"Hindi," Umiling siya, "Magkalapit lang pala ang edad natin. I'm twenty-four pa kasi. You're like a younger sister to me." She answered, smiling. Aaminin niya, 'nung bata siya ay talagang gustong-gusto niyang magkaroon ng kapatid na babae.
"OMG! Talaga po? So kung ganun, sisterettes na po pala tayo!" Napahagikgik naman silang dalawa dahil sa sinabi nito.
"Sure. Kaya don't call me 'your highness or majesty' anymore. Call me Julia na lang. Or Ate. But Ate makes me feel that I'm so old. I'd prefer my name."
"My god! Sige! Kakapalan ko na face ko. I'll call you Julia from now. OMG. Kayo po ang Queen pero Julia ang tawag ko sa inyo. Shet! Kakaloka ito! Ang bait niyo po talaga!" React nito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Julia just laughed at it. Natutuwa talaga siya sa presensya ni Ikay. Buti na lang talaga ay may kaibigan pa siyang nakilala doon sa palasyo. All of Jordan's relatives were really hostile to her - kahit sa asawa rin naman niya ay ramdam niya na ayaw ng mga kamag-anak ni Jordan sa kanila.
Pero dapat hindi na niya iisipin iyon. She's the King's wife now. She's technically the wife of one of the most powerful man in the world. Marami na silang pagsubok na pinagdaanang dalawa at hindi niya hahayaan na may hahadlang pa sa kanila. They're going to have their child soon too.
Natapos na rin siya sa pagbibihis. She was wearing a simple long sleeve blue silk dress - revealing a very small cleavage on her chest. Nakalugay naman ang mahahaba niyang buhok - which was also curled in the ends. She was wearing a 3-inch black stiletto heels as well. Suot din niya sa ring finger niya ang blue sapphire ring na ibinigay sa kanya ng asawa niya. At kahit ganun ang suot niya ay medyo halata na rin ang baby bump niya sa tiyan niya.