Typo errors are a lot.Chapter 9
Father and daughter"Mr. Tiongzon, si Dad?" Hindi mapakaling tanong ni Julia kay Mr. Tiongzon nang dumating na siya sa Malacañang. Kahit nga ang pagbalik niya doon ay napapansin niya ang napakadaming mga media at press na gustong makapasok sa loob.
Her father, the President is facing a criminal case. A murder.
"Nasa opisina niya, Ms. Julia," Sagot naman nito sa kanya, halata rin sa boses ang pag-aalala, "Kaharap niya ngayon ang mga media at press. May mga kasama rin siyang abogado sa loob." Tumango naman agad siya sa sinabi nito at pinuntahan ang office ng ama niya. At sa labas ay nakikita rin niya ang mga media na nagkukumpulan.
She immediately went inside. Mas lalo namang dumami ang mga flashes ng mga camera nang dumating siya, filming every bit of what was currently happening.
Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ni Julia nang makita ang isang gabinete ng ama niya - ang Secretary of Justice, si Atty. Matthias Molina. Kausap nito ngayon ang ama niya. Still, there were a lot of media filming the two inside.
Pagkatapos ibinalita sa kanya ni Sister Malou ang nangyari sa ama niya, kaagad siyang kinabahan. She knew there was something up about the news kaya naman dali-dali siyang bumalik ulit sa Palasyo. Hinatid naman siya papunta ni Jordan doon but things went too fast. She doesn't even know where Jordan is now. Kaagad kasi siyang pumasok sa loob ng palasyo, leaving him outside. She was really too confused. Gulung-gulo siya sa mga nangyayari.
Why would someone file a murder case against her Dad?
Kahit naman may hindi sila pagkakaintindihan ng Daddy niya, her father would never do such thing as to killing a person. Despite their misunderstanding, her Dad is a good father. Simula pagkabata niya ay ito na ang tumayong Mommy at Daddy niya. Even though her father was so strict towards her, despite his political job, hindi nito nakakaligtaan na bigyan siya ng oras. Her Dad was always a witness to every endeavor of her life.
But things got complicated between them when she started to love Zach.
"Dad!" Napatigil naman si Eduardo sa pag-uusap nito kay Atty. Molina at napalingon sa kanya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang talaga dumami ang mga mediang umaaligid sa kanila.
"Julia, anak." Kaagad naman itong nilapitan ni Julia at niyakap ang ama ng mahigpit.
"Dad, anong nangyayari?" She asked worriedly after they freed themselves from the hug.
Huminga naman ito ng malalim, "Someone filed a case against me, a murder case. They were almost going to arrest me but because of my immunity, hindi iyon natuloy, anak." Sagot naman nito sa kanya.
"Mr. President, sa tingin niyo po ba, sinong ang nasa likod ng lahat ng akusasyon na ito?"
Napalingon naman si Julia sa babaeng reporter na biglang nagtanong. Pati rin ang iba pang mga reporter ay naging maingay na. Napakunot-noo na lang si Julia sa mga inaasal nito sa kanila.
BINABASA MO ANG
Bleeding Royalty (Finished)
General FictionHis Crazy Mistake Book 2. (Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he didn't. Will the modern Romeo and Juliet be still together? Or will they bleed as things get broken? ***READ His Crazy Mistake first before r...