Chapter 4: #CONFUSED/CONFIRMED

28 1 0
                                    


Tatlong linggo na ngang naging mag-on sina Trixie at Nathan. Dahil din dito hindi na madalas dumadalaw si Sammie sa bahay ng binata sa takot na maabutan ang magnobyo. Kung hindi dahil kay Champ naisip talaga ni Sammie na hindi na dumalaw sa bahay ni Nathan para sana makalimutan na ang binata.

Magmula kasi nang sabihin ng binata na sila na ni Trixie ay napagdesisyonan na ng dalaga na kalimutan ang feelings kay Nathan. At siyempre bawiin na rin ang sinabi niyang tibo siya sa mga magulang para makabalik sa dating siya.

Pero hanggang ngayon hindi makahanap ng tiyempo ang dalaga na sabihin yon kaya nagpapanggap pa rin ito.

Nasa basketball ulit si Sammie ngayon kasama ang barkada ni Nathan. Pinagchichismisan ng mga ito ang magnobyo na nasa gilid ng court na seryosong nag-uusap.

Troy: Alam niyo mga pare, magmula nang mag-on yang dalawang yan hindi na nakakapagpractice yang si Nathan ng basketball. Naku ayaw pa man din niyang si Nathan ng mga babaeng masyadong demanding.

Pustahan ulit tayo oh, maghihiwalay ulit yang mga 'yan.

Sammie: Alam niyo rin noh masyado kayong chismoso para maging lalaki. Bumalik na nga kayo sa practice.

Troy: Hala, pumutok na ang nanahimik na bulkan! Yes po assistant coach!

Oy teka pards Sammie, yung totoo, espiya ka talaga ng papa mo noh kaya ka nandito?, pahabol pa nitong sabi kay Sammie.

Sammie: Tumigil ka na nga, hala magpractice na nga kayo may laban pa kayo next week sa kabilang barangay, sabay isa-isang tinaboy ang mga ito para magpractice.

Sa kabilang banda ulit...

Trixie: Alam mo Nathan, kanina ka pa tingin ng tingin sa mga kabarkada mo. Hindi ka na nakikinig sa mga sinasabi ko. Mas importante pa yata ang team mo kesa sa'kin eh.

Nathan: Ano ka ba Trixie, hindi naman sa ganon' . Alam mo namang may laro kami next week di ba, kaya kailangan naming magpractice ng todo ngayon.

Secretly In Love With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon