One week later...Isang linggo na nga ang lumipas at ngayon ay nakabestida na si Sammie.
Pagkatapos kasi ng nangyaring beauty contest ay inamin agad ng dalaga sa magulang ang gawa-gawa niyang kasinungalingan sa mga ito. Na siya nga ay nagpapanggap lang na isang lesbiana, syempre inilihim pa din niya dito ang totoong dahilan niya sa pagpapanggap at ito nga ay para mapalapit kay Nathan.
Pero hindi talaga siya nakaligtas sa galit ng ina niya nang sabihin niyang dahilan dito ay dahil gumagawa siya ng isang study. Isang study tungkol sa magiging reaksyon ng mga taong nakakakilala sa kanya kapag nagpanggap siyang tibo.
Mabilis ngang kumalat sa lugar nila ang tungkol sa ginawang pagpapanggap ni Sammie. Siyempre nagulat ang ilan lalo na ang mga naging kabarkada niyang lalaki.
Ang ilan naman ay hindi na nagtataka sa pagbawi niya sa ginawang pag-amin dati na siya ay tibo dahil hindi rin naman daw sila nakumbinse sa pagpapanggap niya.
Ngayon papunta na siya sa basketball court para kumustahin ang mga naging katropa. Ngayon lang kasi niya ulit sila makikita mula nang pag-amin niya. Nagpapalakas muna kasi siya ng loob bago niya harapin ang mga ito.
Nang papunta na siya sa court, malayo pa lang ay nakita na siya ni Troy kaya agad siya nitong nilapitan.
Troy: Hi pards! Ay hindi na pala, babae ka na pala ulit ngayon. So hi Sammie na lang.
Alam mo ba Sammie, buti na lang talaga dumating ka. Nagpustahan
kasi kami kung darating ka o hindi. Siyempre pumusta talaga akong darating ka, eh hindi mo kaya matiis na hindi ako makita di ba?Sammie: Tse, at bakit naisip niyo namang hindi na ako magpapakita sa inyo eh kaibigan ko pa rin naman kayong lahat. Naging babae lang ako, pero ako pa rin naman yung nakilala niyong si Sam.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With Him
Historia CortaIsang malaking pagpapanggap ang gagawin ni Sammie para lang mapalapit sa "secret crush" nitong si Nathan. Magiging effective naman kaya ito? Magiging malapit kaya talaga sila ng binata gaya ng inaasam niya? O hanggang magiging kaibigan lang talaga a...