Chapter 5: #BEAUTY CONTEST

24 1 0
                                    


Beauty Contest na!...

Araw na nga ng contest at ngayon ready'ng ready na talaga si Sammie at suot-suot na ang gown para sa introduction nila ng mga kandidata mamaya.

Pagbaba niya ng hagdan galing sa kuwarto ay nakita niyang naghihintay ang mga magulang sa baba at nandon' din ang buong team ng papa niya na todo suporta sa kanya na naging barkada na rin niya kinalaunan.

Troy: Woooh pards Sam, bakla ka na talaga! ay este babae ka na talaga, kantiyaw pa nito.

Nang marinig ito ng papa ni Sammie ay agad nitong binatukan ang binata na sorry nang sorry naman sa ama ng dalaga pagkatapos, dahil sa nangyari ay nagkatawanan ang lahat.

Fe: Ang ganda mo anak, sabi nito nang makalapit kay Sammie.

Sammie: Ma, nasabi niyo lang yan, dahil anak niyo ko noh.

Nagulat pa si Sammie nang biglang nagsalita si Nathan na nakalapit na pala sa kanila.

Nathan: Totoo ang sinabi ni Tita sa'yo Sammie, maganda ka na pero mas lalo ka pang gumanda sa ayos mo ngayon, sabay abot sa dalaga ng white rose.

Sammie: S-salamat, ang tanging nasabi na lang ng dalaga at tinanggap ang bigay nitong bulaklak.

Troy: Hala Coach Tim, may balak yatang manligaw si Nathan sa anak niyo. Bumabanat na oh at may pabulaklak pa, sumbong pa nito sa ama ni Sammie.

Tim: Naku papayag na'kong ligawan yang tibo kong anak kung si Nathan naman ang manliligaw kesa naman sa'yo, sabay binatukan ulit si Troy.

Troy: Ouch, ang harsh naman ng sinabi niyo coach. Tsaka nakakailang batok na kayo sa'kin ah, abuso na yan coach. Kakasuhan ko na talga kayo ng Child Abuse.

Tim: Ah ganon, sabay pabirong binatukan ulit ang binata.

Pero kung talagang may manligaw dyan sa anak ko, kailangan niya munang talunin ako sa basketball.

Troy: Naku Coach kayang-kaya kayong talunin ni Nathan, pustahan pa tayo oh. Di ba humihina na tuhod niyo hindi niyo na kaya yong mga ganitong moves, ganito, eto pa.

Secretly In Love With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon