Sa basketball court...Nanonood ngayon si Sammie ng paliga ng barangay nila. Coach kasi ang papa nito ng basketball team ng barangay. At isa pang dahilan ng panonood nito ay ang secret crush nitong si Nathan, ang team captain naman.
Hanggang secret crush lang talaga ito ng dalaga dahil hindi kasi ito nabibigyan ng tsansa na makalapit sa binata noon dahil bantay-sirado ang nobya nitong si Trixie.
Nang maghiwalay sina Nathan at ang nobya nito ay inakala ni Sammie na pagkakataon na niya ito na makalapit sa binata. Pero hindi din pala dahil ibinuhos na din nito ang oras sa pagpa-practice ng basketball.
Naging woman-hater din ito magmula non'. Umiiwas kasi agad si Nathan kapag may babaeng gustong makipaglapit sa kanya.
Dahil sa pagkadesperada ni Sammie ngayon na sunggaban na ang pagkakataon na mapalapit sa binata ay nakaisip ito ng ideya. Isang ideya na makakapagtulak ditong gumawa ng malaking kasinungalingan na maaaring makapagbago ng buhay nito.
F l a s h b a c k
Two months ago...
Fe: Samantha, anak? Anong nangyari sa buhok mo? Bakit umiksi na yan?, ang nagtatakang tanong ng mama ni Sammie ng makitang umiksi ang buhok niya.
Tim: Anak, nagbreak na ba kayo ng nobyo mo kaya ka nagpagupit?
Sammie: Pa? Wala po akong boyfriend. At ano namang koneksyon non' sa buhok ko.
Tim: Di ba yon' ang USO ngayon? Nagpapaiksi ng buhok matapos makipagbreak?
Pero ano ba talaga ang dahilan mo anak at naging ganyan ang buhok mo?
Sammie: Ma, Pa, wag po kayong magagalit sa aaminin ko. Ang totoo po niyan......isa po akong lesbiana. Matagal ko na po itong tinatago sa inyo.
BINABASA MO ANG
Secretly In Love With Him
Historia CortaIsang malaking pagpapanggap ang gagawin ni Sammie para lang mapalapit sa "secret crush" nitong si Nathan. Magiging effective naman kaya ito? Magiging malapit kaya talaga sila ng binata gaya ng inaasam niya? O hanggang magiging kaibigan lang talaga a...