2:56 am
Tete: Okay ka lang ba?
Tete: Madaling araw na pero gising ka pa.
Tete: Nabasa ko yung pinost mo nung 2 mins ago
2:57 am
Tete: "Wag ka namang makasarili, isipin mo rin na sa bawat galaw na ginagawa mo may naaapektuhan na tao. May nasasaktan, AKO."
Tete: Ayan yun diba?
Tete: Ayoko namang manghimasok sa buhay mo kiki pero baka makatulong ako. Pwede mong sabihin sakin yung problema. Si Grayson ba yung tinutukoy mo? Nag away ba kayo?
Tete: Hindi ako magaling sa pagpapayo pero handa akong makinig sayo para lang gumaan yung pakiramdam mo.
Tete: Nikki pansinin mo naman ako.
2:58 am
Tete: Wag ka ng umiyak. Tahan na..
2:59 am
Tete: Siguro sa ngayon hindi ka pa talaga komportable sakin. Ano ba namang alam ko diba? Puros kalokohan nalang ang pinapakita ko sayo. Pero Nikki, gusto ko lang malaman mo na sa ganitong sitwasyon kaya kong magseryoso.
Tete: Pwede mo akong gawing online diary :) sabihin mo lahat ng hinanakit mo. Wag mong tinatago, kasi ikaw lang din ang mahihirapan at masasaktan.
3:00 am
Tete: Mapagkakatiwalaan naman ako. Pangako, safe sakin lahat ng sekreto mo. Alam ko naman na mahirap para sayo yung bagay na hiniling ko, ano ba naman ako sayo diba? Kailan lang tayo nagkakilala at hindi mo pa alam ang katauhan na nakatago dito sa Kim Taehyung RP Account na to. Pero para rin yun sa ikabubuti mo. Gusto ko lang talaga makatulong.
3:01 am
Tete: Tahan na sa pag-iyak ha? Hindi worth it ang luha mo para sa kanya.
Tete: Nikki nandito lang ako :)
Tete: Kaya mo yan. Wag kang magpapadala sa problema.
3:04 am
Tete: Gwapo ko parin syet. Nakakabakla.
4:04 am
Nikki is typing...
Nikki: Salamat Tete :')

BINABASA MO ANG
Role Player
Fiksi RemajaRole Playing World. Isa ka bang Rper? Kung ganun, alam mo kung para saan ang mundong ito. Bukod sa pagtulog, isa ito sa mga paraan para makatakas sa realidad. Kumbaga.. 'Deactivation of Real Life' Hindi ba? Kahit sino, pwede mong i-port. Ultimo gara...