CHAPTER FIVE
"Nawala na lang bigla si Mika." Nakalabi na sabi ni Sehun. Gusto pa kasi nilang makausap ito. saka curious talaga sila sa pagkatao nito. Lalo na at kapangalan n ito ang babaeng sinasabing asawa ni Baekhyun.
"Maybe pinaalis siya, hindi naman talaga siya staff doon." sabi naman ni Suo na tapos ng magbihis at handa ng magpahinga.
"Baek, siya ba si Mikaela Sabina Choi?" tanong ni Chen kay Baekhyun. Kanina pa talaga gustong itanong ni Chen pero nawalan na siya ng chance na magtanong dahil pinatawag na sila para sa event.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." sabi naman ni Baekhyun habang nakapikit at nakahiga sa may sofa.
Pagod ang lahat pero may lakas pa silang makipag-usap. Saka kanina may nilabas na naman article na inilabas si Catch tungkol sa asawa daw ni Baekhyun. Nasa Pilipinas daw ito nakatira. Isang half-korean at half-filipino.
Natawa na lang sila ng mabasa ang article pero hindi magawa ni Baekhyun na matawa dahil totoo ang nakasulat sa article na yun.
Saka nasa paligid lang si Mika, baka may makakilala sa kaniya at malaman ang totoo. Pero hindi rin niya puwedeng sabihin kay Mika na asawa siya nito at sabihing mag divorce na sila dahil baka totohanin ni Chairman Choi na kukunin niya ang lahat ng meron ngayon sa pamilya niya.
"Magpapahinga na ako." paalam ni Sehun sa lahat saka pumasok na sa kaniyang kuwarto. Sumunod naman ang iba. Ang tangin naiwan lang sa sala ay siya si Suho at Lay.
"Baek, alam namin ang totoo." Seryosong sabi ni Suho. Napatayo bigla si Baekhyun mula sa pagkakahiga at tumingin ng seryoso kay Suho.
Shit!Paano nalaman ni Suho? Kaagad siyang napatayo at lumapit kay Suho.
Saka biglang napatingin na rin ni Lay sa kaniya. "Ako? Wala. Ano ba kasi ang pinag-uusapan niyo?"
"Narinig ko dati kay manager. Pero dapat itago mo talaga yan. Saka ipakilala mo naman kami sa asawa mo." natatawang sabi ni Suho sabay tapos sa kaniya ng isa sa mga unan na nasa sofa.
"Huh? totoo na may asawa kana? Ba't hindi man lang namin nalaman?" gulat na tanong ni Lay.
Sasagutin na niya sana ang tanong ni Lay ng bigla silang nakarinig ng ingay mula sa labas ng apartment.
"Kailangan kong makausap si Baekhyun." Nanlaki ang mga mata ni Bakehyun ng makilala ang boses ni Mika. Kaagad na nagmamadaling lumabas siya sa kanilang apartment. Kasunod naman sina Lay at Suho.
Nang makalabas sila ay nakita nila si Mika na nakikipagtalo sa kanilang manager. Halatang galit na galit ito.
"Bumalik ka na lang bukas Miss. Nagpapahinga na sila." Sabi naman ng kanilang manager na pilit na hinihila palabas ng building.
Napabuga ng hangin si Baekhyun sabay lakad papalapit kina Mika at kanilang manager.
"It's okay, kakausapin ko si Mika."
Kaagad namang binitawan ng kanilang Manager si Mika at sumenyas ang kanilang manager na bilisan nilang mag-usap. Napatango lang siya dito.
--
Nakapag-usap na silang dalawa ni Mika at nalaman niyang hindi nito alam na nakapirma pala ito sa isang marriage contract. Mukhang nag e-enjoy naman ang matandang makitang walang alam ang kaniyang apo.
Nagawa nitong pagsamantalahan ang kahinaan ng apo at ngayon ay hostage nito ang ina ni Mika.
Tahimik lang kaming dalawa ni Mika habang hinihintay si Tyron Kang, ang secretary ni Chairman Choi. Mukhang pinasusundan ng Chairman ang kaniyang apo kaya nagawa akong tawagan nito na hintayin siya dahil may gustong ipaabot ang matanda sa aming dalawa.
YOU ARE READING
Legally Married [ EXO FF ]
FanfictionTHEY ARE LEGALLY MARRIED. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, liv...