CHAPTER SIX
Hindi mapigilan ni Mika na mapangiti habang naaalala ang date nila kahapon ni Baekhyun. Hindi niya mapaniwalaan ang sarili dahil nagagawa niyang mag enjoy sa ganitong set-up.
Pero bahagya siyang napangiwi ng makatanggap siya ng message mula sa Mama ni Baekhyun. Gusto daw siyang makausap nito.
Bahagya siyang napalunok. Nakilala na niya ang magulang ni Baekhyun pero naiilang talaga siya sa mga ito. Lalo na at hindi siya masyadong marunong magkorean. Nahihirapan siya minsang makipag-usap sa mga ito.
Magmadali siyang nagbihis at umalis ng tinitirhang unit at pumunta sa mapit na flower shop. Pumili siya ng isang bouquet ng white roses. Nang babayaran na niya ito ay biglang sumingit na matangkad na lalaki. Kaya naman nabangga nito ang balikat niya.
Napatingin siya sa mukha nito. Guwapo ito at saka mukhang matalino. Parang nasa early thirties pa lang ito.
"Miss, sorry. " kaagad nitong paumanhin.
"Ayos lang, Alam ko naman na hindi mo sinasadya. "
"By the way, I'm Arthur Jang. " inabot nito ang isang kamay sa kaniya na tinanggap naman niya at nakipagkay dito.
"I'm Mikaela Choi. Nice to meet you Mr. Jang. "
Nakita nitang biglang kumunot ang noo nito sabay hawak sa baba nito.
"Your name sounds interesting." sabi nito saka ngumiti.
"Well, see you around Miss Choi. Nakatira din kasi ako sa building na tinitirhan mo." paalam nito sabay bayad ng kinuhang bulaklak at umalis na.
Nang nakaalis na ito ay bahagya siyang napaisip kung bakit parang pamilyar sa kaniya ang lalaking iyon.
Ah, baka nagkita na sila o di kaya ay nagkasalubong ang kanilang landas ng hindi niya namamalayan. Binalewala na lang niya ang iniisip at binayaran ang bulaklak.
--
"Baek, ayos ba ang date kagabi? " tanong ni Suho kay Baekhyun. Busy pa rin sila sa paghahanda para sa comeback. Sa ngayon ang isipan niya ay nasa practice . Kailangan niyang mag concentrate.
"Walang sasabihin si Beakhyun. " sabi naman ni Lay na nasa tabi lang nilang dalawa. Ang iba ay busy din sa pakikipag-usap sa ibang members.
"Tingnan mo ang labi niya hindi niya mapigilang mapangiti. Kitang kita na nasayahan siya. " patuloy na sabi ni Lay na sinundot pa ang pisngi niya.
Kaagad naman siyang umiwas pero napapangiti pa rin. Hindi niya akalaing magugustuhan niya ang date na yun. Saka nagawa rin niyang sabihin na gusto ulit niyang makasama si Mika.
"Yun pala ang ibig sabihin ng mga ngiti niya ha? Naku, pumapag-ibig nga naman." natatawang sabi ni Suho.
Umiling na lang siya saka napansin niyang nakatingin sa kanilang gawi sina Sehun, Chanyeol at Chen. Ngumiti lang siya sa tatlong may kakaibang tingin. Tila binabasa ng mga ito ang nasa isip niya.
Akala siguro ng tatlo ay gagana ang pagiging feeling psychic nila sa kaniya.
"Tigilan niyo nga yan."saway niya sa tatlo. Saka lumapit siya sa mga ito.
Kaagad namang hinawakan siya ji Chanyeol sa balikat."Baek." simula ni Chanyeol. Tumigil muna ito saglit sabay tingin sa mga mata niya."Sabihin mo sa amin ang totoo." huminto ulit ito st bahagyang umiling at tumingin ulit sa kaniya. "Adik ka ba?"
"Baliw!" natatawang sinuntok niya ng mahina ang braso ni Chanyeol.
"Kasi noong isang araw problemado ka, tapos hindi ka makatulog, hindi mapakali ngayon naman parang ang saya mo." patuloy nitong sabi.
YOU ARE READING
Legally Married [ EXO FF ]
FanfictionTHEY ARE LEGALLY MARRIED. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, liv...