CHAPTER SEVEN
Napangiti si Baekhyun ng makita ang paparating na si Mika. Dalawang araw din silang hindi nagkita at sa loob ng dalawang araw ay hindi man lang siya nakatanggap ng tawag o text mula dito.
Hindi naman niya magawang magtext o tumawag dahil nahihiya siya. Pero pinipilit niya ang sarili na huwag mainis dahil na rin sa sitwasyon nila.
"Hi, Baek." nakangiti bati sa akin ni Mika.
"Hi, Mika. Kamusta?" nakita niyang imiwas ng tingin at ngumiti ng pagak si Mika. Naasiwa ba ito o may problema siya? "May problema ba Mika? Hindi mo ba gusto sumama?"
Paalis kasi sila ngayon para out of town kasama ng ilang members at dahil tatlong araw silang mawawala ay niyaya niya si Mika na sumama.
"Okay lang saka mukhang masaya naman na kasama kayo. Medyo nakakahiya lang."
"Naku, huwag kang mahihiya sa amin. Saka may kasama pa kaming babae si Shine." sabi ni Sehun sabay turo sa babaeng naka. Oversize shirt na puti at naka pants. Naka cap din ito na tumatakip sa mukha nito ngayon.
"Hindi naman yan babae eh, kahoy yan Se." natatawang sabi ni Chen na kaagad binatukan ni Suho.
"Galangin mo naman ang PA natin." napabusangot na lang si Chen at umalis.
"Nasaan pala si Kyungsoo at Lay?"tanong ni Mika.
"Nasa China si Lay, si Kyungsoo may inaasikaso lang." -Suho.
Napakunot noo si Baekhyun ng mapansin ang isang mahabang sugat sa likurang bahagi ng leeg ni Mika. Nakataas kasi ang buhok nito kaya kitang kita niya kung gaano kahaba ang sugat.
Kaagad na hinawakan niya ang sugat. "Saan mo 'to nakuha?" nagulat si Mika at kaagad na tinakpan ang sugat.
"Ah... Noong isang araw. Bumisita kasi ako kina lolo nakalmot ng pusa." napailing na lang siya.
Puwede sana niyang paniwalaan ang sinabi nito pero mas kilala pa ata niya ang lolo nito dahil alam niyang may hika ang Chairman at wala itong alagang hayop sa bahay.
Pinabayaan na lang niya muna si Mika, mukhang wala itong balak na magsabi kung saan nito nakuha ang sugat.
Magkabi silang dalawa ni Mika sa hulihang bahagi ng van kasama si Chanyeol, Chen at si Shine. Nasa kabilang sasakyan ang apat. Ayaw nilang kasabay kami dahil hindi sila makakapagpahinga sa ingay namin.
Tawa lang tawa sa Mika sa kinukuwento ni Chen at Chanyeol. Hindi niya mapigilang mapatingin sa mukha nito.
Hindi pilit ang tawa at napakaganda ng mukha niya.
"Tapos may isa dito na sobrang makatitig. Sobrang in love na talaga siya." hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Chen pero nagulat siya ng mapatingin sa kaniya si Mika.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Baek, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mika sa kaniya.
Napakurap siya ng ilang beses bago nakasagot pero nanatili siyang nakatingin kay Mika.
"A-ah... Oo naman. Medyo inaantok lang." sabay kunwari ay kinukusot ang mata sabay hikab.
"Weh?" biglang singit ni Chanyeol. "Eh, bakit ka namumula saka sobra ka kung makatingin kay Mika?"
"Hindi ah! Akala niyo lang yun." pagsisinungaling niya. Umiwas na lang siya ng tingin kay Mika at umayos ng upo.
YOU ARE READING
Legally Married [ EXO FF ]
FanfictionTHEY ARE LEGALLY MARRIED. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, liv...