CHAPTER THREE
"Coffee for Ms. Mika."
Kaagad na napalingon si Baekhyun. Shit. Palagi na lang siyang napapalingon sa tuwing naririnig niya ang pangalan na Mika.
Nasa isang coffee shop na malapit sa kanilang apartment siya ngayon. Naka suot siya ng cap at mask. Mabuti na lang at konti lang ang tao sa shop ngayon.
Para siyang pinaglalaruan ng pagkakataon. Kanina lang ay dumalaw ang kaniyang ina sa apartment nila. Kinausap siya nito na pumayag ng makipagkita kay Mika pero sinabihan niya itong kailangan na nilang i-file ang annulment papers.
Masyado na silang greedy. Noong una, gusto lang nilang isalba ang kumpanya namin pero ngayon gusto na nilang maging parte ng pamilya ng mga Choi.
Hindi naman niyan kailangan ng maraming pera. Kumikita siya ng malaki sa kaniyang pagiging performer. Ang mahalaga lang sa kaniya ay mabuhay siya ng walang ginagawang masama.
Isang babae ang kumuha ng kaniyang kape sa counter. Cute siya at maganda ang kaniyang hanggang balikat na buhok. Ngumiti ito sa nagbigay ng kaniyang kape. Nang mahawakan na ang kaniyang kape ay inamoy ito.
She's pretty.
Nanatili lang si Baekhyun sa babaeng 'Mika' ang pangalan. Papunta na ito sa gawi niya dahil papalabas na ito ng shop ng bigla ay may isang batang babae ang nagtatakbo at nabangga ito.
Kaya naman tumilapon ang dalang kape nito sa kaniya. Mabuti na lang ay malamig pala ang kape at hindi mainit.
"Shit." Hindi mapigilang mapamura ni Baekhyun. Dahil hindi lang ang damit niya ang natapunan ng kape kundi pati na rin ang mask niya.
"Oh my~ I'm sorry." paumanhin ng babae sa kaniya.
"Waah~ Mommy." Umiyak naman yung bata na natakot ata sa sigaw ni Baekhyun.
Kaagad na lumapit ang ina nung bata at binuhat ito. Panay ang hingi nito ng paumanhin sa kanilang dalawa.
"I'm sorry~ I don't know what to do." napakagat labi ito dahil sa pagkataranta.
Natagpuan na lang ni Baekhyun ang sarili na nakatingin sa magandang babae na kinakagat ang mapula nitong labi dahil sa pagkataranta.
Natawa na lang siya ng bigla ay nagtama ang kanilang mga mata. Doon ay nawala siya sa pagtingin sa labi nito.
"Hey, it's okay. Ako dapat ang mag sorry."
Shit. ano ba itong pinagsasabi niya. Bakit ba siya nagso-sorry dito?
Nagtataka ang babae at napatingin sa kaniya.
"Huh? Bakit ka nagso-sorry?"
"Kasi baka na offend ka. Nagulat lang ako dahil malamig." Inalis na lang niya ang basang mask niya saka ngumiti sa dito.
Nakita niyang bahagyang natigilan ang babae at nakaawang ang labing nakatingin lang sa kaniya.
Napailing na lang si Baekhyun. Halos lahat ng babaeng nakikilala niya ay ganoon ang reaksyon sa tuwing nakikita siya, malayo man o malapitan.
"Omona~ Baekhyun."
Kaagad siyang napatayo at napatingin sa mga babaeng tumitili na nasa labas lang ng cofee shop.
Napailing na lang siya at kaagad na hinila si Mika papasok ng kitchen ng coffee shop. Kilala niya ang may-ari nito kaya naman alam na niya kung saan lalabas na hindi nakikita ng mga fans.
Kinindatan niya ang isa sa mga babaeng kitchen staff na ngumiti lang din. Dumaan sila sa likurang bahagi ng shop pero hindi sila tumigil sa pagtakbo.
YOU ARE READING
Legally Married [ EXO FF ]
FanficTHEY ARE LEGALLY MARRIED. DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, liv...