"I missed you."
Nanigas ako kinatatayuan ko at bumalik nalang ako sa reyalidad nang makita kong kumakaway siya habang tumatakbo paalis.
Ang hindi ko maintindihan ay...
Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?
Nakikiliti rin ako sa tiyan na para bang may paruparo sa loob. Nakakagago naman.
•••
Hindi ako makapagconcentrate sa natitirang subjects ko. Buti nalang at hindi ako napapansin ng mga professor ko except kay Ma'am Lee. Napapansin kong lagi siyang tumitingin sakin kaya nang matapos ang klase ay nilapitan niya ako. Last subject ko siya kaya ayos lang.
"Bakit po ma'am?"
"Is there anything wrong, Ms. Shin? You've been blankly staring on nothingness the whole hour."
"Wala lang po iyon ma'am."
"Giselle, it's about a guy, right?"
OMG????
"Uhm... hehehehe si ma'am talaga."
"So it is a guy. Mind telling me about it? I don't want any of my students having some troubles while attending my class."
"Sorry po."
Natawa si ma'am ng kaunti,"so tell me."
Kinuwento ko kay ma'am simula noong una hanggang sa kanina. Nakikinig siyang mabuti at minsan ay mapapangiti siya.
"It's simple Shin. He likes you. Isang taong manhid lang ang hindi makakapansin."
"Pero paano po ako? Wala naman po akong nararamdaman sa kanya kundi bilang isang kaibigan na tinuring kong kapatid."
"Shin, you don't have to think too much. Your heart beating fast and tickling sensation in your body, it's obvious that you're starting to feel your feelings for him. That's it."
Imposible!
"Kakabreak ko lang po sa boyfriend ko. Napakabilis naman po non. Baka hindi naman po ma'am."
"Shin, you like him from the start. Sabi mo lagi kang nag-aalala sa kanya. You even sneak from your boyfriend just to comfort him. Any girl with a boyfriend wouldn't dare to sneak behind his boyfriend and even lie to him just to comfort your 'friend'."
"Ma'am—"
"Oh hush honey. You should go home. Late na. Thank you Shin. See you tomorrow." Pagputol sakin ni ma'am bago tumayo sa upuan at umalis na.
Nanatili ako na nakaupo doon. Iniisip ko parin yung mga sinabi ni ma'am.
Totoo kaya?
Totoo kayang may gusto ako kay Jungkook noong una palang?
Hindi ako makapaniwala.
It was too much for me to handle.
Ay taray english hehehe praise me peasants!
Pero hindi ko masink in yung sinabi ni ma'am.
"Ay bobo ko naman. Dito pa ako nagmonologue." Inabot ako ng 6:14. Si ma'am kasi. :---(
Lumabas na ako ng room at bumaba. Nasa second floor kasi yung room ko. Maya-maya lang ay nasa field na ako. May iilang mga tao at puro player doon.
"Gelatin!"
"Namjoon? Bakit nandito ka pa?"
"Aayain sana kita kumain. Libre ko na. Alam ko namang mukha kang libre."
Sabi ng nanay ko masamang tumanggi sa grasya kaya gorabells na hihihi.
Naglakad lang kami dahil malapit lang naman yung cafe. Pagkarating ay umupo na ako habang nag-order naman si Namjoon. Maya-maya lang din ay dumating na siya dala yung table number.
"Bakit mo ko inaya?"
"Kasi... ano kasi..."
"Hay nako Namjoon, pabebe ka pa."
"Hindi ko sinasadyang marinig yung pag-uusap niyo ni Ma'am Lee. Galing kasi ako sa Music Room tapos nakita kita pati si ma'am. Akala ko pinapagalitan ka kaya nakinig ako. Sorry ah."
"Ayos lang Namjoon." Dumating na yung pagkain namin kaya nagpasalamat kami sa waiter at nagsimulang kumain.
"Nalilito ka ba?"
Napabuntong hininga ako,"oo eh. Para kasing sira tong si Jungkook! Bigla-biglang manyayakap."
"Ano nang balak mo?"
"Wala. Go with the flow nalang siguro. Tsaka kung lalayo ako kay Jungkook, paano ko malilinawan yung totoo kong nararamdaman, di ba?"
"Sabagay." Tumatango-tango siya habang hinihiwa yung in-order niyang waffle.
"Pero Namjoon, hindi talaga iyon yung dahilan kung bakit mo ako inaya, hindi ba?" Kanina pa ako may kutob na hindi talaga iyon yung dahilan. Agad naman siyang napatigil at tumingin sa mata ko.
"Tungkol ba saan?" Tanong ko.
"It's about Jin hyung." Ako naman ang napatigil. Mukhang yung pagkatahimik ko ang dahilan para magsalita pa si Namjoon.
"He may look like he's fine but he's actually not. Kahapon niya pa ako kausap and he's going through emotional pain. Hindi siya kumakain at kaninang tanghali lang siya kumain, probably because you're there. I had to stay beside him the whole day yesterday para maalagaan siya. He's been crying a lot."
Tangina naman Seokjin wag kang ganyan.
Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam gagawin ko.
"Anong kailangan kong gawin?"
"Go back to Seokjin."
×××
hello hello! omaigahd sobrang tagal ko nang hindi nag update, super sorry. hindi ko alam kung binabasa niyo pa kagaguhan ko sksksksks anyway, this update is my gift for you all!
Merry Christmas!!
BINABASA MO ANG
Jungkook, The Ilong Ranger
FanfictionRoses are red Violets are purple Si Jungkook ay sumisinghot. WARNING: PURO MURA, KALIBUGAN AT MAY KAUNTING KALANDIAN. HUEHUEHUE. MGA BATA, SA IBANG STORYA KAYO. AYOKONG MADUMIHAN KO 'YANG INOSENTE NIYO UTAK. PLEASE. OKI? #604 - irene