Chapter 11

13 0 0
                                    

Chapter 11

Jeanie is a Certified "Praning"

Ang mapalapit kay Andy ang pinaka pangarap ko sa buhay...Narealize ko lang naman mula ng mapalapit ako sa kanya na Mahal ko na sya...uo, Mahal ko na talaga sya...Ang birthday ko nung 2nd year high school ang pinaka masaya ko'ng birthday sa lahat dahil first time ko'ng makipag pa-picture katabi ng Ultimate crush ko. ^_^ Ang saya! Kilig na kilig ako...kinakabahan pero hindi ko naman mapigilan ang ngiti sa mga labi ko na halos umabot na hindi lang sa tenga, kundi lampas tenga... Abot hanggang puyo" yung ngiti ko... *^,^*

Masaya rin ako nung birthday ko'ng yun dahil may ka-birthday ako...marami'ng bumati samen at may mga nagregalo din...Nakatanggap ako ng isang cute na cute na Stationary galing sa isa ko'ng kaklase..."Si Mais." Para saken, yung stationary'ng regalo nya saken ang pinaka unique na stationary sa lahat...Dalawa'ng malaki'ng sobre at dalawa'ng "Cute and Unique" na papel. May maganda'ng drawing yung sobre. Cute lil girl and lil boy na animo'y lovers...tapos sa taas ng drawing may kataga'ng "Just wanted to let you know that I LOVE YOU..."

Sobra'ng happy ako sa Stationary na yun...at sa tuwing binabalik balikan ko ang nakaraan, ang sulat ni Dy sa stationary na yun ang isa sa pinaka maganda'ng alaala. Gamit ang stationary na regalo ni Mais, sinulatan ko si Dy. Nagpasalamat ako sa lahat ng ginawa nya para saken...maybe it's just a small thing but it means a lot to me.

Pinaka pinagpapasalamat ko sa kanya sa lahat bukod sa pumayag sya'ng magpa-picture kami nung birthday ko e, Nagpapasalamat ako at pumayag sya'ng makipag kaibigan saken. ^_^ Ang babaw ba? Well, he's so special to me...maliit na bagay lang basta't galing sa kanya, Masaya na ko. "Andy, gamitin mo yung isa pa'ng papel kasama nito'ng sulat ko...sulatan mo'ko tapos sayo na yung sulat ko. Salamat ulet." sabi ko sa huling linya ng sulat ko kay Dy.

"When you have a crush on someone, You notice every single detail about them, no matter how small. And when they do something for you, You feel so touched, No matter how simple it was." ^,~

Ang Diary ng Dating MartirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon