<Bluer than Blue>

12 0 0
                                    

-Anton's POV-

Nasa isang Night Bar ako ngayon. Nagpaalam naman ako kay Jeanie na magba-bar kami ng mga Ka-opisina ko. Pumayag naman sya'ng sumama ako and hindi ko na rin sya hinatid sa bago nya'ng tinutuluyan dahil kasama naman nya si Rhea at meron ng naghatid sa kanila...Si Joe Angeles, ang bago 'daw' na boyfriend ni Rhea.

[Sa Bar]

Anggugulo ng mga kasama ko...akala mo bago'ng laya, taga-bundok, ngayon lang naka-pasok sa Bar! Palibhasa mga single...Kaya atat makipagkilala sa mga Babae.

Dalawa lang kami ni Carlo ang may Girlfriend pero kahit may Girlfriend na yon, Harot din! Kasama sya ng iba ko'ng mga Ka-opisina na nakikipag kilala sa mga babae sa Bar na to..."Haayz...alang magawa...Makainom na nga lang."

Tinawag ko yung waiter. "Anu sa inyo Boss?" "Isang Margarita." pambabae ba? Light lang kasi ang pwede saken eh! May allergy ako sa ibang alak lalo na sa Matatapang na inumin.

Habang umiinom ako ng Margarita, tumitingin-tingin ako sa paligid. Maganda to'ng 'Ready to flirt Bar.' Magaganda ang sounds na pinapatugtog ng DJ and magaling sya mag-remix.

Yung mga tao dito, 'Party-party' talaga...Pero sa isang banda, may nakita ako'ng lalake'ng nag-iisa. 'Wait...I think that guy is Familiar...is that...' nilapitan ko na lang para makasiguro. "Mark?" ako. tumingala saken yung lalake'ng nakaupo mag-isa sa isang table. "Anthony, ikaw pala." sagot nya. Tama ako. Si Mark nga ito. Ang ex ni Rhea. Tinabihan ko sya sa mesa at tinagayan nya ko. "Kamusta ka na?" tanong ko kay Mark. "Ito, ayos lang naman." "uhmm..." "Kayo ni Jeanie, kumusta na kayo?" "Ayos lang naman kami. Going strong." :) "uhmm...mabuti pa kayo." sabi nya sabay mapait na ngiti. Medyo nag-aalinlangan man ako, pero unti-unti na rin ako'ng sumegway ng pagtatanong. "Bat ka nga pala nag-iinom dito mag-isa?" ako. "Aah...wala lang.Gusto ko lang mapag-isa." "Huhmm...Mark." tumingin saken si Mark. "Hindi naman sa panghihimasok pero, bakit ba kayo naghiwalay?" Hindi naman halata na Chismoso ako noh? "Hindi ko na kasi kaya Thon. Napagod na ko. Mahal ko sya...pero nagsasawa na kasi ako sa Pag-uugali nya. Tapos tignan mo naman ngayon, May bago na agad sya...Halos isang linggo palang kasing naghihiwalay, napalitan nya na ko agad. Ganun lang kadali sa kanya. Ni hindi man lang nya inisip kung anung problema, kung sino may kasalanan, kung bakit kami humantong sa ganito, kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya." "Uhmm...yun ba talaga ang dahilan? o may iba ka pa?" "anu'ng ibig mo'ng sabihin?" "niloko mo daw sya?" "aah..hindi totoo yun." "kung ganun, anung totoo?" "pinalabas ko lang na meron na ko'ng iba para mas madali nya'ng tanggapin at maintindihan kung bakit ako nakipaghiwalay." "uhmm...Masaya ka ba sa naging desisyon moh?" "Hindi. Dahil wala rin'g pinatunguhan. Dahil imbis na matuto sya sa mga nangyari, para'ng wala lang din lahat sa kanya. Hindi sa gusto ko sya'ng baguhin...gusto lang na maging sensitive din sya. Mahal ko sya. Pero napapagod din ako'ng umintindi at magpasensya." :(

Ramdam ko sa tono ng boses nya na napagod na talaga sya. Nawalan ng pag-asa. Mabuti na lang kahit magkaibigan si Rhea at si Jeanie, hindi sila magkapareha. Tinapik ko si Mark sa balikat. "Kaya mo yan Mark. Lahat ng relasyon, dumadaan sa ganyan." Pagkatapos ng pag-uusap namen'g yun, bumalik na ko sa mga ka-opisina ko.

Bluer than Blue

~After you go, I can catch up on my reading...After you go, I got a lot more time for sleeping...~

~And when your gone, Looks like things will gonna be that easy...Life will be abreast you know, I really should be glad...~

~But I'm Bluer than blue...Sadder than sad...Your the only light this empty room was ever had...Life without you, is gonna be Bluer than blue...~

Ang Diary ng Dating MartirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon