Chapter - 12 " Broken Glass "

148 10 2
                                    

--» Allison POV «--

Sa sobrang tuwa ko sa ginagawa ko di ko na napansin na nag didilim na pala kaya ng matapos ako ay agad agad akong nagligpit ng gamit ko .

Aaminin ko natatakot na talaga ako ngayun medyu dumidilim na kase talaga eh!  nag lakad na ko , sa una dinire-diretyo ko lang ang daan .

Hangang sa mag paliko liko na ko sa puntong to kinakabahan na ko madilim na kase at nasa gitna ako ngayun ng sobrang dameng malalaking puno nagpatuloy lang ako sa paglakad ng umihip ang malakas na hangin nakaramdam ako ng lamig .

Nag umpisa na rin akong balutin ng takot , takot na baka may anung masamang mangyari sakin ang kaninang lakad ko ay patakbo na ngayun may narinig akong kaluskos ng mga paa na naging dahilan ng pagtakbo ko ng mas mabilis .

Umiiyak na ko tanging pagtakbo lang ang pwede kong gawin at alam ko na sa bawat pagtakbo ko mas lalo akong napapalayu sa tamang direksyun . Sa di ko inaasahang pagkakataon sumabit ang paa ko sa isa sa mga malaking ugat ng puno dahilan para matumba ako !!

Kasabay ng aking pagtumba ay ang pagtalsik ng salamin ko sa mata dahilan para lumabo ang aking paningin , sinubukan kong tumayo at kapain ang aking salamin ngunit natumba ako at mas naramdaman ko ang sakit ng aking paa. Wala na kong nagawa kundi ang umiyak at indahin ang sakit . At sa pagkakataon na to sumandal nalang ako sa puno at umiyak ng umiyak hangang sa unti unti na kong mawalan ng malay.

--» Shaune POV «--

Kung ako ang tatanungin hindi na ko natutuwa alas siyete na ng gabi at wala padin si Allison alam ko na matapang siya pero alam ko din na di niya kaya pag madilim kase nga malabo ang mata nya . Lumapit na ko sa Camping coach namen para sabihin ang tungkol kay allison.

"Sir hangang ngayun poh wala parin po si Allison.??"- Shaune.

"Naghanap kanaba baka nandyan lang yan at nag lalakad lakad." -Coach

" Nag hanap na po ako at wala poh talaga siya ??? " - Shaune.

Alam kong kinabahan ang aming camping coach dahil nag iba ang expression ng muka niya , Pag katapos nameng mag usap ay pinatawag ng coach ang lahat ng estuduante at pinag sama sama.

" Lahat kayu ! Makinig kayu saken. walang aalis sa area na to dito lang kayu makinig kayu sa akin tandaan nyo ang hindi sumunod ay may parusang kapalit!!! " -Coach

Nagtaka at gulat naman ang mga estudyante sa nangyayari pero alam ko kung bakit ??? mas lalo lang akong kinabahan, Nangako ako kay Allison na poproktehan ko siya pero bat wala parin akong ginagawa hangang ngayun !!! nairita ko ng marinig ko ang grupo ng mga babaeng ang aarte sakit sa tenga .!! paglingon ko sila Jessica pala!!

" Oh my !!!! why we antay antay here." -Jessica

"Yah !!! it's so mainit kaya! " - Annelie

"tsaka malamok !!! baka mag ka sugat ako !!!" -Jessa

Diba ang aarte , pero wala akong paki sa kanila ngayun kailangan kung isipin kung paano ko makakatakas para hanapin si Allison.

Nag umpisa ng umalis sila coach kasama ang ibang rescuer para hanapain si Allison. Habang tumatagal akong nag iisip pakiramdam ko unti unting hinihiwa ang puso ko lalo na pag iniisip ko na baka may nangyaring masama sa kanya !!!

Nakaisip na ko ng dahilan at susubukan kong tumakas. Naglakad ako papuntang CR.

" San ka pupunta?? " - Bantay

"mag babawas lang po sana ako sobrang sakit poh kase ng tiyan ko eh!!!" -Shaune.

"Ah sige !!! alam mo naman papunta sa CR diba?" - Bantay

"oo naman po sir." -Shaune.

" Wag kang tatakas kundi yari ako!! " -Bantayn.

"Wala naman po akong pupuntahan ??? bakit naman po ako tatakas pinagbibintangan nyu po ba ako!!" -Shaune.

Sinadya ko talagang takutin sya para magkaroon na ko ng pagkakataon na makatakas.

"ayy hindi naman sige - sige na mag banyo kana hindi na kita babantayan." -Bantay

Nang maka alis siya naka hanap na ko ng tyempo para maghanap . Pumasok ako sa isang mapunong lugar ewan ko pero malakas ang pakiramdam ko na yun ang tamang daan . Yung tipo na may nagtuturo sayu ng daan na mismong paa muna ang nagdadala sayu papunta dun  sumigaw sigaw na ko .!!

"Allison , Allison nasan ka? Allison si Shaune to sumagot ka ?!!! " - Shaune.

Malakas kong sigaw pero wala parin sumasagot may narinig akong agos ng tubig sinundan ko ang tunog sobra akong nag papasalamat sa liwanag ng buwan na siyang tumutulong sakin para makita ang daan .

Naglakad lakad pa ko hangang sa may maapakan akong salamin dahilan para mabasag ito pinulot ko yun at nakita kong kay Allison yun lalo akong kinabahan nag palingon lingon ako at may nakita akong isang tao na nakahiga malapit sa isang puno .

Kinilabutan ako , alam kong mali ang iniisip ko pero di ko maiwasan. Nag umpisa ng tumulo ang luha ko at nanginginig na dahan dahan lumapit sa taong nakahiga nayun.

Hangang tama nga ako si Allison nga ang taong yun . Sumigaw ako ng napakalakas at napaupo sa sobrang sakit ng dibdib ko . Hindi maari hindi pwedeng mawala si allison !!!

"Wahhhhhhhhhhh !!!!!!!!.Allison .. " -Shaune

Sobrang sakit sa pakiramdam hindi ko matangap na sa pangalawang pagkakataon wala nanaman akong nagawa at ang masama pa wala na siya hinawakan ko siya at niyakap ng mahigpit as in sobrang higpit habang humahagulgol sa iyak !!!

End of Chapter - 12
Please Vote&Comment
JC Santos

More Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon