Chapter - 14 " Welcome Back "

163 10 2
                                    

--» Allison POV «--

Nagulat ako si Mama at Papa pala ang dumating , tatakbo na sana ako para yakapin sila kase nga sobrang tagal ko silang di nakita at sobrang miss na miss ko sila pero biglang nag salita si Papa.

"Sino yang lalaking kasama mo?" -Papa

Galit na sigaw ni Papa, napahinto naman ako sa paglapit sa kanila. Yung ganung tono ni Papa alam kong galit na sya. !!!Lumingon ako sa likod ko at tinignan si Shaune nakita ko na nakatingin lang siya samen ni Papa.

"Kelan kapa nagdala ng lalaki dito sa bahay Allison" - Papa.

"Kaibigan ko po siya Pa! at wala po kameng relasyon kaya wala pong dahilan para magalit kayo."- Allison.

"Totoo po ang sinabi ni Allison Sir. Kaibigan lang po talaga kame at wala po kameng ginagawa na pwede nyung ikagalit." Banggit ni Shaune pero hindi sya pinansin ni Papa.

"Abang! Bata ka marunong kana sumagot,  di ko naman sinabi na Boyfriend mo siya huh! " - Papa.

" Kilala na kita papa alam kong pinaghihinalaan mo na Jowa ko siya!" - Allison.

Nagulat ako ng lumakad palapit sakin si Papa at hinarap ako kay Shaune !!

"Pwede kanang umuwi !!!! Kakausapin kita sa ibang araw." Masungit na sabe ni Papa kay Shaune.

Tumingin naman saken si Shaune at ngumiti ganun din ang ginawa ko bago siya umalis may sinabi muna siya kay Papa.

"Sir. Wala po talaga kameng ginagawa ni Allison na masama mag Bestfriend lang po talaga kame at sana po wag nyu na siyang pagalitan,napaka bait po talaga ni Allison." -Shaune

Tumahimik naman si Papa at yun nga umalis na si Shaune, naaasar at naririndi na ko kay Shaune ilang ulit ba naman nyang binanggit ang salitang bestfriend masakit kaya. Sinundan naman ni Mama si Shaune palabas.

"Saglit lang iho." -Mama

Huminto naman si Shaune at humarap kay Mama.

"Naku iho pag pasensyahan muna ang asawa ko medyu O.A lang talaga yun mag react pero wag kang mag alala kung ano man ang meron sa inyu ng anak ko suportado ko kayo." -Mama.

Medyu nailang naman si Shaune sa Mama ko pero ngumiti siya at nag paalam na dito. Pag pasok naman ni mama inabutan nya kame ni Papa sa sala na nag tatalo tungkol kay Shaune.

"Naku Papa tama na nga !!! nag pasama nga lang ako mag grocery kase nga kakagaling ko lang poh sa ospital. Alam nyu naman yun diba? " -Allison.

"Bakit di mo tinawagan mga pinsan mo para mag patulong bat dun pa sa lalaking yun kung alam alam ko lang nag papaligaw kana ." - Papa

"wala naman ginagawa yung tao na masama eh! buti nga tinutulungan pa ko!" - Allison.

"Tama na nga kayung dalawa!!!! ngayun na nga lang kayu nag kita nag aaway pa kayu!!! naku anak di mo sinabi huh! gwapo pala ang mang-liligaw mo." banggit ni Mama, sabay naman kameng napasigaw ni Papa dahil sa sinabi ni Mama.

"Oh! anong masama na may manligaw sa anak mo, buti nga may nanliligaw sa kanya eh! Ganda ganda ng anak naten nagtataka nga ako kaninu nag mana yan ng kabaduyan sa mantalang ang ganda ganda ko naman ." - Mama

Natawa nalang ako kay Mama kase napaka comedy nya buti pa sya hindi O.A kagaya ni Papa.

"Correction Mama at Papa yung totoo po kaibigan lang po talaga kame ni Shaune at wla po kameng relasyon kaya sobrang mali po talaga kayo ng iniisip ... kaya please po lalo kana Papa tantanan muna si Shaune at kung sa kabaduyan naman si Papa ang may sala kaya ganito ako hahaha - Allison

More Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon