Book 1 - Finale " Bye Bye "

323 12 3
                                    

→ Allison POV ←

Dumaan ng mabilis ang dalawang lingo . Hindi na ko pumasok sa school sila Mama na ang nag ayos ng mga kailangan ko sila narin ang nag sabe sa school tungkol sa sitwasyon ko. Hindi ko narin nakita si Shaune simula nun pinutol kuna lahat ng kuneksyon na meron kame pati ang pag kakaibigan namen.

Ngayung aalis na ko siguro mapapanatag na siya sila ni Trisha siguro nga panggulo lang ako sa Love story nila , isang echoserang chaka na umasang mamahalin din nang isang prinsipe. Hindi totoo ang happy ending sa sitwasyon ko dahil ako yung PANGET ako ang kontrabida at dahil tanga ako inisip ko na ako ang prinsesa sa kwento nato kaso hindi pala wala pala akong parte dito.

Kagaya nga nang sabe ko dalawang lingo nakong hindi pumapasok at inaantay nalang ang pag alis namen bukas , sobrang naiinip na ko dito sa bahay kaya naisip isip kong lumabas muna. Naalala ko si Rhemson kung may isang tao man na naging totoo sakin at hindi ako sinaktan siya yun kaya para pasalamatan siya bago ako umalis pupuntahan ko siya.

Nag paalam naman ako kina Mama na may pupuntahan lang ako at agad naman silang pumayag dahil alam nga nila na sobrang naiinip na ko dito sa bahay. Nag abang ako sa tapat ng school nila Rhemson at nag babaka sakaling makita siya, Wala naman akong ibang alam na lugar kung saan ko siya pwede makita kaya dumiretso na ko dito makalipas ang dalawang oras na pag antay sa kanya ay nakita ko na nga siya tinawag ko siya at napalingon naman siya kaya lumapit na siya sakin

"Ui Rhemson !! " - Allison.

"Allison??? " gulat na tanong niya " Anong ginagawa mo dito?? Kanina kapaba dito? " - Rhemson.

" Wala lang gusto lang kitang makita " sagot ko naman sa kanya, napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

" ganun ba ! Sakto uwian ko na san mo ba gustong pumunta? " naka ngiting tanong niya sakin.

" Kahit saan basta yung masaya " - Allison.

Napatingin sakin si Rhemson nagtataka siya sa sagot ko sa kanya pero hindi niya naman ako tinanong kaya binigyan ko nalang siya nang pilit na ngiti para di nya ko tanungin kung bakit biglaan ang pakiki pagkita ko sa kanya basta gusto ko lang maging masaya ngayun kasama siya.

Dinala nya ko sa Star city sumakay kame sa mga rides kaya sobrang saya ko para kameng mga bata, ngayun ko lang uli nagawang tumawa ng ganito yung hindi pilit yung totoong masaya ka yung literal na lagpas tenga ang ngiti mo ng mapagod kame ay kumain kame at kahit onti lang ang oras nagawa parin ni Rhemson na magawa namen lahat yun at the same time na masaya kame.

Hinatid nya ko sa bahay pero bago ko pumasok may sinabi siya sakin kaya napahinto ako.

"Aminin mo sakin ? May dahilan ang pakikipagkita mo sakin no" ramdam ko ang lungkot sa boses nya hindi paman ako lumilingon ay unti unti nang tumulo ang luha ko.

" May problema ba Allison?. " ulit niyang tanong ayoko rin naman mag sinungaling sa kanya kaya sasabihin ko na ang totoo.

" Aalis na kame bukas sasama na ko kila Mama at Papa sa Japan."  pag tingin ko sa kanya nakita ko na lumungkot siya.

" Si Shaune ba ang dahilan? " - Rhemson.

" Naku hindi -- " pero pinigilan nya ko sa pagsasalita.

" Alam ko yung mga nangyari Allison kaya wag kanang mag sikreto sakin alam mo bang nasasaktan ako dahil sa nangyayari sayo." - Rhemson.

" Rhemson naman eh! Hayaan muna yun kasalanan ko naman eh! Nag mahal ako at umasa kaya ganito ang nangyari sakin . Tsaka gusto ko pala mag pasalamat hindi lang dahil napasaya mo ko ngayung araw pati narin sa pagiging mabuti at totoo mo sakin." Sabay yakap ko sa kanya  Gumanti naman siya ng yakap . "Sa pagbalik ko huh! Sana mag kaibigan parin tayo huh! " . - Allison.

More Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon