Chapter Two

113 4 0
                                    

I woke up to the sound of my name being called from downstairs.

"Lace! Bangon na," sabi nung boses.

Damn. Sobrang sakit ng ulo ko. Grabe namang hang over 'to. Gustuhin ko mang bumangon eh hindi ko magawa dahil parang may nakapatong na isang truck ng semento sa ulo ko sa sobrang bigat.

Kinapa ko yung phone ko para tignan yung oras. 10:07 am na pala. Bumulaga rin sakin yung mga text mula kay Chloe at Tony.

1:34 am
From: Chloe

Sprry Laceyyu d n kita nasamahabg umuwi.

Lasing na siguro si Chloe nung sinend nya 'to. Ano naman kaya nangyari dun?

9:16 am
From: Chloe

Girl! Really sorry about last night. Bigla kaseng umuwi si Kuya from Cebu eh nasa akin yung susi nung bahay kaya di siya makapasok. Hinahanap kita para isama na sana pauwi pero I can't find you e. Sorry talaga. San ka ba nagsususuot?

9:17 am
From: Chloe

Anyway, did you meet him? Ang hot no?!

Him? Parang wala naman akong bagong nakilala kagabi.

9:30 am
From: Tony

Hey, Lace! Did he bring you home safely? Sorry. Hinatid ko kase yung iba na nagpass out narin sa party. So I just asked him to bring you home. You two seem to get along pretty well naman e.

He? Him?

Was I with some stranger last night? Ugh! Why can't I remember anything? The last thing I can recall from last night was dancing to Twerk It Like Miley with Chloe. Wala naman akong new found acquaintance kagabi.

But some guy brought me home, right?

Shit.

I hurriedly checked my form under the sheets. Ito rin yung suot ko kagabi. Salamat.

Kung sino man siya, mukhang mabait naman yung nag-uwi sa akin kagabi.

"Lacey! Bumaba ka na at tanghali na! Dinaig ka pa naming galing sa ibang bansa," sabi nung boses.

Si Mama ba yon? Nandito na sila? Dapat next week pa ang dating nila, ah!

"Pababa na po!"

After mentally thanking God for guarding me last night, I changed into my pajamas. Ayoko namang bumaba ng ganun pa rin yung outfit ko dahil maiisip nila na nalasing ako kagabi.

Pagkababa ko, handa na ang breakfast. Sobrang bango nung eggs and bacon! Parang ngayon nalang ako ulit naka amoy nun. This is my first real breakfast mula nung umalis sina Mama para magbakasyon. Lagi kase akong late nagigising dahil inaabot ako ng madaling araw kakaiyak.

"Mama! Papa! Andrew!" naeexcite kong sabi habang niyakap sila isa-isa. Sobrang namiss ko talaga sila! Isang buwan din silang nawala e. "Akala ko po next week pa kayo dadating?"

"Eto kaseng si Andrew, nagkukulit at gusto raw magsummer program ng basketball," paliwanag ni Mama.

"Ate, are you okay? You look tired," usisa ni Andrew. 13 years old palang siya pero halos lahat pinansin na niya.

How It Felt (João Constancia)Where stories live. Discover now