Chapter 3: Get to know you girl

451 28 18
                                    

Again.. Maraming salamat po para sa suportang ipinapakita't ipinapadama niyo sa akin kahit hindi po tayo magkakilala at nagkikita,

You just don't know how thankful I am right now..

Just Finished Watching

"LOVE IN DISGUISE" and "LOVE PHOBIA"

-- x - x - x - x -  x - x - x - x - x - x - x -  x -  x - x - x - x - x - x- x - x - x - x - x - x - x - x - x - x - x - x --

Comment-- Vote And Be A Fan!

PAPALABAS na ako sa terrace nang marinig ang masiglang pakikipagtawanan ni Clyde sa kung sino mang kausap ng hinayupak na playboy sa cordless phone.

"One of his girls.. I pressume.." Napailing naman ako sa naisip.

Napalingon sa akin ang kumag. "And speaking of the angel.." Saka tila may sinabi yung sa kabilang linya. "Sige bye na.. Magpapapansin muna ako." Mahina lang yung last sentence niya pero dinig ko pa rin.

"Good morning! Princess.." Napakaluwang ng ngiting ibinigay niya sa akin.

Hindi ko aamining bumilis ang tibok ng puso ko! Like duh!!

Sige na nga.. Bumilis nga siya! Nag- palpitate ng napakabilis and I know dahil yun sa inis!

Ang aga aga nakakita na naman ako ng halimaw!

Di ko siya pinansin.

Sinara ko yung laptop ko na naiwan kong nakabukas kahapon. Hindi ko na kasi ito nabalikan dahil natatakot akong baka nasa terrace pa itong kumag na to.

Kung sakali mang pakealamanan niya ito ay wala naman siyang makikitang importanteng bagay.

O mga secrets kaya.

Ang meron lang dito is yung mga pictures ko and yung mga nobelang isinusulat ko so I'm not scared kung tumalon man siya mula sa kabilang terrace papunta dito sa terrace ko! Wala namang bold na files dito ehh saka alam ko namang hindi niya nanakawin to no. Kaya niyang bumili ng kahit sampung laptop kung gugustuhin niya kaya alam kong hindi niya pagti- tirpan ang laptop ko.

"Nakapag- break fast ka na?" Tiningnan ko lang siya ng masama bilang sagot.

"Uy... Kumain ka na ba?" Kulit pa rin ni unggoy sa akin.

 "You don't have yo pretend that you care!" Supladang sagot ko.

"Hey! I'm not pretending! I really really care for you." Saka tumawa pa ang baliw pagkatapos sabihin yun.

Ito ba?? Ito ba yung sinasabi ng buong Village na may gusto sa akin?

Halatang- halata namang pinagti- tripan lang ako nito ehh..

 "So nanghihinayang ka?? Dahil ba sa JOKE lang yun para sa kanya nagagalit ka?? At naiinis ka ngayon kasi hindi totoo para sa kanya yung mga pinagsasabi niya?" Yun yung binubulong ng isang part ng utak ko.

Kung pwede lang patayin yung mga brain cells na nagpapagana sa part na yun!! Naku Pinatay ko na!

Nayayamot na nga ako dahil sa sira- ulong toh gagatungan pa ng mga inner voice na wala namang idudulot na maganda!

I rolled my eyes and look at his handsome face..

"Did I say handsome? " Naiiritang tanong ko sa sarili ko.

The Playboy Vs. The Playboy HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon