Kabanata 22

2.3K 77 25
                                    

Kabanata 22

"So dito pwede natin lagyan ng elevation." Minarkahan ni engineer ng linya ang hard copy ng ginawa kong draft. "Dito, mga eight inches mula sa wall. Yung kabila pwede din siguro."

"So eight inches sa left, eight inches sa right, from the wall. Tapos ito naka-emboss." Sumingit si Engr. Alvarez na may hawak na isa pang hard copy at lapis. Minarkahan niya din ang kopya niya.

"Parang hindi yata magandang tingnan sir kung yung ganyang door type pantay yung dalawang sides. How about, yung isa eight inches, tapos yung isa pwede na nating isagad dito sa wall tutal naman naka-emboss." Minarkahan ko ang kopya ni Engineer.

Pareho silang napatango sa suhestiyon ko, "Brilliant idea." Ani Engr. Alvarez.

"Dito sa glass door paanong gagawin dito?" Turo niya sa isang glass door sa gagawing conference room ng bagong building.

"Same lang sa conference room natin. Pero I've decided na mas modernized yung gamitin. Black siya tapos tinted." Paliwanag ko.

"Actually mas maganda nga ito no, kesa doon sa conference room natin."

"Wala bang standard na sukat ito?" Biro naman ni Engr. Mendoza, nagtawanan kami.

"Actually, ang ginawa ko, since hindi naman pareho ng lot size, dahil nakausap ko na yung geodetic engineer kahapon, minaximize ko na yung area." Utas ko.

"So, the site has a larger area?"

"Yes engineer. Tsaka hindi naman siya sa front so I think kailangan naka-maximize talaga."

Nagsitanguan ulit sila.

Kanina pa kami nandito sa office ko na ipina-occupy sa akin ni Sir James, nag-uusap tungkol sa mga mahahalagang details ng project. Halos dalawang oras na kami dito at wala pang tumatayo sa amin para mag-merienda.

"Hindi ba pwedeng yung comfort room, ilipat natin dito sa kabila?" Lumapit si Engr. Mendoza sa akin para ituro ang comfort room sa hard copy.

"Naisip ko kasi, jan nalang sana para mas accessible." Sagot ko.

"Oo nga, engineer." Natawa si Engr. Alvarez, "Makinig ka sa pro."

Natawa kaming tatlo.

Natigilan lang dahil sa katok ng isang empleyado. Sinenyasan ko siya mula sa glass wall na pumasok.

Naaninag ko na may dalang isang tasang kape ang babae na nakalagay sa isang tray.

"Ma'am," tawag ng babae sa akin bago ilapag sa table ko ang isang tas ng kape.

Kunot-noong sinundan nina engineer ng tingin ang ginawa ng babae, tila nagtataka.

"Nasaan yung sa amin?" May taas ng tonong tanong ni Engr. Mendoza sa babae.

"Kay Architect daw po ito eh."

"So wala para sa amin?" Halatang naiinis na si Engr. Mendoza.

"Si Sir Ricci po kasi ang nagpa-utos." Utas ng babae, "Itatanong ko nalang po."

Sinanggi ni Engr. Alvarez ang braso ni Engr. Mendoza at tumawa ng mahina, "Eh ang sweet naman pala ni Sir Rivero, pare eh."

".. Alangan namang padalhan tayo nun ng kape, pre. Hindi naman tayo asawa non."

Palihim na natawa ang babaeng nagdala ng kape bago tumalikod at umalis pero tinawag ko ulit siya bago pa man siya makalabas ng glass door.

"Miss, two more coffees please." Utos ko.

Huminto siya at tumango sa akin, "Okay ma'am." Bago tuluyang umalis.

"Thanks architect." Ani Engr. Mendoza bago balingan muli ang kopya niya.

Wicked Games (Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon