Kabanata 20

2.8K 73 38
                                    

Kabanata 20

"Sure ka, okay ka na ah?" Parang tanga si Ricci, hawak hawak pa ang braso ko at naka-akbay pa sa akin para alalayan akong bumaba. Eh hindi naman ako baldado.

"Okay na sabi. Ikaw talaga, bitaw na magluluto pa ako." Pilit akong kumalas sa mga kamay niya pero di niya ako binitawan.

"Nakapagluto na sila, diba nga nanjan na sila Lalaine at Nica?" He laughed.

"Oo nga pala, sorry."

"Ma'am good morning po!" Salubong sa akin ni Nica na karga ngayon si Hale.

Si Lalaine naman ay nagwawalis sa living room. Binalingan nila kami.

Dali daling binitawan ni Lalaine ang walis at tumakbo sa kusina. Dinala ako doon ni Ricci.

"Ma'am good morning, upo na po kayo." Hinila niya pa ang isang upuan para umupo ako doon.

Sinitsitan siya ni Ricci at tumawa, "Huy! Ako lang pwedeng gumawa nun!"

"Ay sir, sorry." Nagtawa sila.

"Ano ba, tumigil nga kayo. Hindi ako disabled."

Ipinaghanda nila kami ng pagkain. Really, having a kasambahay makes life way easier. Bakit nga ba hindi namin 'to ginawa agad?

Oo nga pala, si Ricci ang may ayaw. How ironic dahil siya pa talaga ang nag-hire sa dalawang to. Napansin niya siguro na nangangayayat na ako dahil sa gawaing bahay.

"Si Hale, kumain na?" Tanong ko.

"Opo, pagkagising kumain agad."

"Anong oras ba kayo nagising?"

"Sabi ni sir, five am daw po kami gumising. Sinunod lang po namin."

Halos masamid ako sa sagot ni Nica sa akin. Ang OA ng 5am!

"Ricci!" Pinalo ko ang braso niya, his eyebrows shot up.

"What?"

"Seriously? 5am? May field trip?"

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ko.

"Syempre, para maaga silang makapagluto." Sagot ni Ricci.

Bumalik na ang dalawa sa mga ginagawa nila at iniwan nila kami sa dinig area.

Pinayuko niya ako para daw mag-dasal. He led the prayer bago kami tuluyang kumain.

Sinagi ko ang binti ni Ricci sa ilalim ng lamesa dahilan para balingan niya ako.

"Hindi na makikita nila Mommy si Hale more often." Utas ko.

"Why not?"

"Syempre, may mag-aalaga na. Alam ba nila to?"

"Siya ang nag-suggest nito. Ayoko nga nung una eh."

Well, knowing Ricci. Pag hindi si Mommy ang nagsabi talagang hindi susunod yan.

".. Para daw di ka na mahirapan."

I nodded. Totoo naman. Sobrang hirap na kami lang dito ni Hale. Halos si Mommy na nga lang ang nag-alaga kay Hale dahil lakwatsera ako.

Ibinaba ni Ricci ang mga kubyertos na hawak niya at nagpunas ng table napkin.

"Sasama ka sakin ngayon sa office ah."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ano? Bakit?"

"Of course, di ba we have to talk about the.."

"Pumayag na ba ako?" I sarcastically asked.

"Pumayag ka na. Para magamit mo yung natapos mo." Pamimilit niya. "Bwisit na architect kasi yon eh, tumanggap ng ibang project."

Wicked Games (Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon